top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Matagal nang nakabinbin... Hirit sa DOJ: Higit na transparency sa mga kasong kriminal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 24 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 7, 2026



Matagal nang nakabinbin... Hirit sa DOJ: Higit na transparency sa mga kasong kriminal

Photo: File



Nanawagan ang isang mambabatas ng higit na transparency sa paghawak ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong kriminal na matagal nang nakabinbin dito. 

Ginawa ang panawagan ni Rep. Michael Tan ng 2nd District ng Samar, miyembro ng House Committee on Justice, kaugnay ng halos siyam na taong ng nakabinbing kaso ng ambush noong 2017 na ikinamatay ni Enrique Manas Sr. sa Sta. Margarita, Samar. 


Noong Agosto 20, sumulat si Tan kay Acting Justice Sec. Fredderick Vida upang humingi ng impormasyon tungkol sa status ng kaso ni Manas at kung ano na ang estado ng nakabinbing Motion for Reconsideration (MR) na inihain ng akusadong si Emilio Zosa. 

Hiniling din niya sa DOJ na ilahad kung ilan ang kasalukuyang nakabinbing Petitions for Review (PetRev), gaano na katagal nakabinbin, at paano pinoproseso at dini-dispose ang mga naturang kaso.


Humingi rin siya ng impormasyon sa mga proseso at timeline ng DOJ sa paghawak ng PetRevs at motions for reconsideration, gayundin ng updated statistics sa mga nakabinbing kasong kriminal sa National Prosecution Service. Makatutulong umano ang impormasyong ito upang matukoy kung ang matagal na proceedings ay mga isolated na pangyayari o nagpapakita ng mas malawak na problema sa sistema ng hustisya. 


Sa Manas case, binaligtad ni dating Justice Sec. Boying Remulla ang 2019 disposition ng DOJ at iniutos ang pagsasampa ng criminal charges laban kay Zosa at sa kanyang mga kapwa akusado. Kasunod nito, naihain ang criminal information sa Regional Trial Court sa Tacloban noong Marso 2026.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page