'Wag daw gawing kabit, Kylie… ROBIN KAY ALJUR: MAG-MUSLIM KA PARA MAPAKASALAN ANG BABAE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 04, 2022

Idinepensa ni Robin Padilla ang naging pahayag niya noon na naiintindihan niya ang ginawang pambababae ng manugang niyang si Aljur Abrenica.
Paglilinaw niya sa kanyang panayam sa Headstart ni Karen Davila kahapon, wala siyang sinabi na gawin ang panloloko.
“'Yung gumagawa ng isyu na 'yan ay hindi niya napanood ang buong interview. Kasi kung napanood niya ang buong interview, ang sinasabi kong una, 'yung cheating na 'yan ay hindi pagnanakaw 'yan,” simula ni Binoe.
“Ang cheating, tumingin ka lang sa isang babae, sa Islam kasi, cheating na 'yun kahit wala kang ginawa, basta nag-isip ka, cheating na 'yun," aniya.
Paliwanag pa ni Binoe, imposible naman daw kasi na hindi pumapasok sa isip ng isang lalaki na mag-cheat.
"Imposibleng hindi maglaro 'yan sa isip ng isang lalaki. Magdududa ako rito sa aking son-in-law kung hindi kailanman pumasok sa isip niya na... come on, 'di ba? Wow! Eh, may problema ka kung hindi 'yan pumapasok sa isip mo. Hindi ko naman sinasabi na gawin mo, eh. Hindi ko sinabing ‘Sige, gawin mo, ako'ng bahala sa ‘yo,'" he said.
Nilinaw nga rin niya ang ibig niyang sabihin sa unang sinabing mag-Muslim na lang si Aljur.
"At 'yung sinabi ko pa na 'Mag-Muslim ka,' kasi po ako, ine-example ko ang sarili ko. Noong nag-Muslim ako, nabago ko 'yung sarili ko. Wala po akong sinabi diyan na polygamy.
“Ang sinabi ko lang noon na kung ako sa kanya, 'Mag-Muslim ka kasi magbabago ang iyong mentality.' Kasi sa Islam, kailangan mong pakasalan, 'di ba?”
Pagdidiin pa ng aktor, “Pero hindi ko kailanman sinabi na ‘Mang-cheat tayo, man!' Wow! Hindi 'yung 'Gawin mo', ganu'n, hindi ganu’n.”
Anyway, tumatakbong senador si Binoe sa 2022 elections, pero aniya ay hindi siya umaasang mananalo dahil wala raw siyang pera, pero nilinaw niyang hindi siya naghihirap kaya siya tumakbo.





Comments