Wade kontra Lebron ang labanan sa NBA finals
- BULGAR

- Sep 30, 2020
- 2 min read
ni MC - @Sports | September 30, 2020

Mukhang pinaghandaan ni dating NBA star Dwayne Wade ang makalaban ang best friend nitong si LeBron James makaraang mas pinili nito ang dati niyang koponan na Miami Heat na tinataya niyang magkakampeon sa 2020 NBA Finals at ilalampaso raw niya ang Los Angeles Lakers ni James.
Iyan ang ipinangangako ni Wade sa fans matapos tanungin sa isang interview ni NBA legend at Lakers star Earvin Magic Johnson. Ayon kay Wade, mas pipiliin niyang magkampeon ang Heat na dati nitong team kaysa sa koponan ng kaibigan nitong si LeBron James na Lakers.
Magugunitang nakasama ni Wade si LeBron sa Heat sa ilalim ni Filipino-American coach Erik Spoelstra.
Sa iba pang NBA news, ipinatawag ng Philadelphia 76ers at New Orleans Pelicans ang beteranong coach na si Doc Rivers ilang oras makaraang ianunsiyo nito na bibitiw na ito sa Los Angeles Clippers.
Ayon sa ulat, sinibak ng Clippers si Rivers matapos ang pangit na performance ng team sa playoffs. Sakto namang naghahanap ng coach ang Sixers nang sibakin si coach Brett Brown noong isang buwan nang malaglag sa 1st round ng playoffs ang Sixers.
Samantala, para sa Pinoyfans na manonood sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat narito ang kumpletong iskedyul ng NBA Finals. Ang Game 1 ay sa Huwebes, Oct. 1: 9 a.m. Ang Game 2 ay sa Sabado, Oct. 3, 9 a.m. Game 3 ay sa Lunes, Oct. 5, 7:30 a.m. Game 4 ay sa Miyerkules, Oct 7 ng 9 a.m. kapag umabot pa sa Game 5 ay sa Sabado, Oct. 10 ng 9 a.m. Ang Game 6 ay sa Lunes Oct. 12 ng 7:30 a.m. at ang Game 7 ay Miyerkules Oct. 14 ng 9 a.m.





Comments