Wa' 'wenta raw ang mga batas… ROBIN, INIISMOL NG MGA KAPWA PULITIKO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 15, 2022

Umani ng batikos at reactions mula sa iba't ibang sektor ang naging panukala-suggestion ni Sen. Robin Padilla na cable car ang solusyon sa problema ng Metro Manila sa matinding trapik na ating dinadanas.
Ayon sa mga netizens, malayo sa katotohanan ang panukalang ito ni Sen. Padilla. Mahirap gawin at hindi praktikal.
Hindi ganu'n kadali ang paglalagay ng poste ng cable cars sa major streets ng Metro Manila. And besides, hindi naman pang-mass transport ang cable car. Iilan lang ang puwedeng sumakay dito.
Tuloy, may isang veteran politician at ilan pang kapwa niya pulitiko ang tinawag na “mangmang” si Sen. Robin dahil walang sapat na kaalaman sa mga problema ng bansa.
Isa pang hindi nagustuhan ng marami ay ang panukala ni Sen. Padilla na payagan na sa 'Pinas ang same-sex union. Pabor man ito para sa LGBT+ community dito, mahihirapan pa rin itong pumasa sa Simbahang Katoliko lalo't marami pa rin sa atin ang may makalumang pananaw.
Mahaba-habang pagtatalo ang mangyayari bago ito tuluyang makalusot sa Senado.





Comments