Wa’ ‘wenta naman talaga ang mga survey, period!

Updated: Jan 8, 2021
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 2, 2021
PULSE ASIA, SINABAYAN PA NG PULITIKA ANG MGA PROBLEMA NG BANSA—Malungkot sa karamihan ng mga Pilipino ang 2020 kasi pagkatapos ng pagsabog ng Bulkang Taal noong January 2020, ang kasunod ay pananalasa ng COVID-19 at sunud-sunod na malalakas na bagyo.
Maraming namatay sa COVID-119, maraming nawalan ng trabaho, naghirap, nagutom at sa pananalasa ng mga bagyo, maraming nawalan ng tahanan at ari-arian, kaya’t ang dalangin ng mga Pilipino sa 2021 ay humupa ang COVID-19, pero ang panalangin na ito ay sinabayan ng pamumulitika ng Pulse Asia nang isapubliko na nangunguna raw sa survey ang anak ni P-Duterte na si Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga presidentiable sa 2022 presidential election.
Ang daming problema ng bansa, nagawa pa ng Pulse Asia na buwisitin ang mamamayan sa maaga nilang pamumulitika, pwe!
◘◘◘
PULSE ASIA, PALAGING TO THE RESCUE SA DUTERTE GOV’T.—Kapuna-puna, sa tuwing may kinasasangkutang malaking bad issue ang Duterte gov’t. ay to-the-rescue ang Pulse Asia sa paglalabas ng survey na pabor kay P-Duterte.
Mainit na isyu ang pag-ismagel ng PSG (Presidential Security Group) ng bakuna sa China na ipangturok sa mga opisyal ng pamahalaan at mga sundalo, at ikinagalit ito ng publiko kasi silang mga nasa Malacañang nabakunahan na, tapos ang mamamayan hindi pa, at habang nababatikos ang Duterte gov’t., biglang naglabas ng survey ang Pulse Asia na gusto daw ng majority Pinoys na maging next president ang anak ni P-Duterte, boom!
◘◘◘
SURVEY SA PULITIKA, WALA NANG PATOL—Ang anumang survey na may kaugnayan sa pulitika ay wala nang patol sa mga tao, at napatunayan na ‘yan sa naging kapalaran ni outgoing US (United States) Pres. Donald Trump.
Kaya nga hindi matanggap ni Trump na tinalo siya sa eleksiyon ni incoming Pres. Joe Biden kasi mataas daw rating niya sa mga surbey sa ‘Tate, tapos talo siya sa mismong halalan, boom!
◘◘◘
DAPAT YATA GAWING LEGAL NA ANG SMUGGLING SA ‘PINAS—Kinumpirma mismo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ismagel ang mga bakunang ipinangturok sa mga opisyal ng pamahalaan at mga sundalo.
Aba, eh kung ganyan na gobyerno pa nasasangkot sa pag-i-ismagel, dapat yata magpa-urgent bill na si P-Duterte sa Kongreso na gawing legal na ang smuggling sa ‘Pinas, buwisit!





Comments