top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa’ ‘wenta ang type iboto ng mga “bobotante”, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 18, 2021


PANANDALIANG TUWA NG MGA TAGA-PDP-LABAN SA BATO-BONG GO TANDEM—Sobrang tuwa noon ng mga miyembro ng PDP-Laban nang magkaroon sila ng pambato sa halalan 2022 — ang tandem nina Sen. Ronald dela Rosa for president at Sen. Bong Go naman for vice-president.


Kaya lang ang kasiyahan ng mga PDP-Laban members ay panandalian lang dahil umeksena si Presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio, at kumandidatong VP bilang ka-tandem ni former Sen. Bongbong Marcos ay nag-iba ang mga pambato ng ruling party, parehong umatras sa laban sina Bato at Bong Go, period!


◘◘◘


NOON, SA ADMINISTRATION PARTY SUMISIPSIP ANG MGA PULITIKO; NGAYON, SA IBANG PARTIDO NA—Sa tuwing may eleksiyon sa Pilipinas, ang ginagawa ng mga pulitiko ay nagsisipsip sa partido ng pangulo para masama at maging kasapi sila ng administration party.


Ngayon ay kabaligtaran na ang nangyari, dahil walang pambato sa halalang 2022 ang PDP-Laban, ang mga nasa administrasyon na ang sumisipsip sa ibang partido para rito sila masama, boom!


◘◘◘


TILA MGA TRAPO NA NAMAN ANG MANANALO SA SENATORIAL ELECTION—Kung may katotohanan ang inilalabas na survey ng mga survey firms na pasok sa Top 12 ang mga trapo (traditional politicians), bad ito para sa ating bansa.


Sangkaterbang trapo na ang nasa Senado ngayon, tapos madaragdagan pa ng sangkaterbang trapo, saklap!


◘◘◘


WALANG GINAGAWA SA SENADO ANG TYPE IBOTO NG MGA “BOBOTANTE”—Ang iba sa pasok sa survey sa Top 12 na mga senador ay re-eleksiyunistang senador at ang iba naman ang mga dating senador na gusto ulit maging senador.


Ang ilan sa mga re-eleksiyunistang senador at dating senador ay wala namang nagawang batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.


Ewan ba natin sa mga ‘bobotante’ nating kababayan kung bakit ang hilig bumoto ng mga wala namang ginagawa sa Senado, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page