Wa’ ‘wenta ang dobladong suweldo… Nagkalat ang mga scalawag, pwe!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 24, 2021
APAT NA PULIS NA DAPAT NAGPO-PROTEKTA SA MAMAMAYAN, MGA HOLDAPER PALA—Apat na pulis-Taguig City, sina Sgt. Jayson Bartolome, Cpl. Merick Desoloc, Cpl. Christian Reyes at Pat. Kirk Almojera ang timbog sa kasong pangho-holdap sa Pasig City.
Dahil ‘yan, tiyak na mawawala na naman ang tiwala ng publiko sa mga pulis kasi ang mga parak na inaasahan ng mamamayan na magpoprotekta sa kanila ay mga holdaper na ngayon.
Bagama’t maliit na porsiyento lang ang mga scalawag ay malaki pa rin ang epekto nito sa PNP, period!
◘◘◘
MINI-CASINO SA BAGUIO CITY, GABI-GABING HINIHINGAN NG PAYOLA NG MGA NAGPAPAKILALANG PARAK—Gabi-gabi ay ilang nagpapakilalang pulis daw ang nagtutungo sa puwesto ng mini-casino ni alyas Patrick sa Legarda, Baguio City para manghingi ng “tongpats”.
Kung totoong mga pulis ang mga nanghihingi ng “tongpats” kay “Patrick” ay bad ‘yan kasi ang dapat gawin ay hulihin ang gambling operator at mga nagsusugal, at hindi para hingan ng “payola”.
Dapat paimbestigahan ni Col. Glenn Lonogan, hepe ng Baguio City Police Station kung totoong mga pulis ang gabi-gabing nanghihingi ng payola sa mini-casino ni “Patrick” at kung totoong mga parak, dapat sa mga ito ay sibakin agad sa puwesto at ikulong para hindi na pamarisan ng ibang pulis, period!
◘◘◘
MAY PANDEMYA MAN, TULOY ANG PASKO, MALIGAYANG PASKOSA LAHAT!—Mamayang pagsapit ng hating-gabi ay Pasko na.
Bagama’t may pandemya, tuloy pa rin ang Pasko, kaya kami ay bumabati sa mga BULAR fanatics at sa buong sambayanang Pinoy... Maligayang Pasko sa ating lahat!





Comments