top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wa' raw utang na loob sa ABS-CBN… MADLANG PIPOL KAY LIZA: MAGANDA KA LANG, SABAW KA NAMANG UMARTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 28, 2023




Nang mapanood namin ang This is Me vlog ni Liza Soberano na in-upload niya sa kanyang YouTube channel kahapon, Linggo, ay napangiwi kami at kaagad naming naisip ang dati niyang manager na si Ogie Diaz.


FYI lang sa mga hindi nakapanood ng vlog, sinabi kasi ru'n ni Liza na mula nang pumasok siya sa showbiz at hinawakan ni Ogie at ng Star Magic, nawalan na siya ng kalayaan na magdesisyon para sa kanyang sarili dahil kailangan niyang sumunod sa mga nagpapatakbo sa kanyang career.


At mula nang makawala na siya sa pamamahala nina Ogie at Star Magic, sobrang happy na raw ni Liza na nagagawa na niya ang mga gusto niyang gawin at nailalabas na niya ang kanyang mga ideas nang walang nagdidikta sa kanya.


Nagpadala kaagad kami ng mensahe sa pamamagitan ng Facebook Messenger kay Ogie para tanungin ito, "May reak ka po sa vlog ni Liza? Sabagay, nagsabi naman siyang grateful siya sa narating niya kung nasaan man siya."


Sinagot kami kaagad ni Ogie ng, “Lalabas naman bukas (kahapon, Lunes) sa Ogie Diaz Showbiz Update, abangan mo bukas.”


Nabasa namin ang tweet ng screenwriter na si Mark Duane Angos na nakatrabaho ng aktres at inuunawa niya ito. Nakiusap siya sa ibang kasamahan sa industriya na unawain din si Liza dahil sa wrong choice of words at happy siya kung ano ang mararating ni Liza ngayong wala na siya sa pangangalaga ng ABS-CBN.


Tweet nito, “A friend asked me if I was hurt by Liza’s insinuation that we boxed her so hard that it drove her away from our industry. That’s a horrible take. What I got from the vlog was a person trying to figure herself out. To be fair, she’s only starting to dip her toes into writing.


“By the same token, she’s still trying to learn how to express herself better. So, if she comes off hurtful to some of my colleagues, let’s be patient. She will be able to find the right words next time.


“So I wasn’t hurt. I’m actually more excited about what she will become. And I’m rooting for her with all my heart. — Love, from the writer who wrote all those teleserye.”


May mga netizens na hindi rin pabor sa vlog na ito ni Liza dahil napaka-ungrateful daw.


“Ekis ka na sa amin, Kapamilya loyalist Liza. You're so ungrateful and walang utang na loob.


Sana, isipin mo na ang ABS-CBN ang nagpakain sa pamilya mo at nagbigay ilaw sa bahay n'yo.


You are nothing w/ ur pretty face only. Sabaw ka naman sa aktingan, sa totoo lang.”


May mga nabasa kaming ikinumpara si Liza kay Nadine Lustre na umalis din noon sa pangangalaga ng Viva Artist Agency at humantong pa sa legal na usapan, pero sa huli ay bumalik ang aktres sa movie outfit na nagpasikat sa kanya at heto, umariba ulit ang career niya.


Katwiran ng netizen, “Nadine has talent. She's the best actress of her generation. I don't know with Liza...”


Say naman ng isa pang netizen, “Suwerte sina Liza, kung boxed man sila, big buck earners naman sila. Sa corporate nga, mag-start ka muna as clerk na mababa ang suweldo, may say ka ba agad sa direksiyon ng kumpanya? Sina Liza, relatively newbies, so parang supervisors lang pero starring roles na. Siyempre, 'yung supervisor, mag-i-implement lang ng projects ng department head. Akyat ka muna sa level nina Coco Martin na kayang mag-produce at mag-direct ng show mo para magka-say ka.

"Ang totoo kasi, kayang-kaya gumawa ng ABS-CBN ng stars noon ('di ko na alam ngayon).


Kung mapusuan ka ng execs, suwerte ka. Kung nakinabang man ang ABS-CBN, makikinabang pa rin naman sila kung hindi si Liza ang pinasikat nila. Kung walang LizQuen, sa tingin mo, walang gagawa nu’ng shows nila? Ang daming talents na puwede, 'no? Sinuwerte lang sila, ang labanan ay kung tatagal ka ba? Eh, si liza, good luck na lang sa kanya.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page