Wa' raw sponsor 'yun, ha? RUFFA, PROUD NA P3 M PLUS NA SASAKYAN ANG B-DAY GIFT SA SARILI
- BULGAR
- Aug 26, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 26, 2023

Nakuha na rin ni Ruffa Gutierrez ang birthday gift niya sa sarili na tatlong buwan din niyang hinintay. Last June 24 pa nag-birthday ang former beauty queen, pero ngayon lang niya natanggap ang regalo para sa sarili na isang brand new Toyota Hiace Super Grandia Elite na ang color ay luxury pearl at worth more than P3 M.
Ipinost niya ang mga pictures at videos sa kanyang Instagram account na ang caption ay: “My birthday gift to myself finally arrived, after 3 months of waiting for my unit to arrive from Japan. [heart eyes emoji]”
Pumunta agad si Ruffa sa simbahan upang ipa-bless ang kanyang bagong sasakyan.
“What an exciting day!! Going straight to church to have my brand new car blessed. [praying hands emoji] Thank you to everyone... Top-notch service.”
Ginamit niya ang disclaimer na “#NotAnAd” upang i-assure ang kanyang mga followers na ang mga posts niya ay ‘di parte ng sponsored promotion.





Comments