Wa’ raw siyang paki… ATTY. TOPACIO: PAGKALAT NG NUDE PHOTOS NI FL LIZA, PANLIGAW LANG SA ISYU NG KORUPSIYON
- BULGAR

- Jan 16
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 16, 2026

Photo: File / Atty. Topacio
Very vocal ang sikat na lawyer at Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio sa kanyang mga disgusto sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kabila nito, hindi naman daw naaapektuhan at hindi niya hahayaang maapektuhan ang kanyang pagiging film producer ng kanyang mga political views na salungat sa mga nangyayari ngayon sa gobyerno.
In fact, nakakuha naman ng playdate on Feb. 4 ang kanyang pelikulang Spring in Prague na two years in the making na at finally ay maipapalabas na nga ang romantic love story na pinagbibidahan ng aktor na si Paolo Gumabao at ng Czech Republic actress na si Sara Sandeva, mula sa direksiyon ni Direk Lester Dimaranan.
“I’m against the government because of the massive corruption and the anomalies. Hindi naman puwedeng pabayaan na lang natin ‘yang mga Pilipino kasi taxes natin ‘yan, eh, gobyerno natin ‘yan,” pahayag ni Atty. Ferdie.
Bilang PDP spokesperson, willing din daw siyang sumama kung magkakaroon ng one time, big time rally, pero hindi para mag-cause ng gulo o kudeta. Mas gusto pa rin nila ng peaceful na pagpapababa kay PBBM para makapagpalit ng liderato, pero kung hindi raw ito kusang bababa, wala naman silang magagawa.
Samantala, after ng mediacon ng Spring in Prague, nahingan din namin siya ng reaksiyon sa kumakalat na nude photos at videos daw ngayon sa social media ng ating First Lady Lisa Araneta-Marcos.
Diretsong sagot ni Atty. Ferdie, “Para sa akin, that’s beside the point. Kung maganda ang pamamahala, kahit maghubad sila, wala akong pakialam, eh. Ang akin, eh, good governance. Kahit mag-press conference sila nang nakahubo’t hubad, wala akong pakialam. Basta maganda ang takbo ng gobyerno at umuunlad ang mga Pilipino, hindi ninanakaw ang salapi ng bayan, wala akong pakialam diyan, eh.”
Ano’ng analysis niya kung bakit may mga nagpapakalat ng ganitong kasiraan sa First Lady bukod kay PBBM?
“Black propaganda. For the record, ayoko ng ganitong mga paninira kasi it diverts the issue from graft and corruption. ‘Yung mga ganitong sensationalism, dapat, eh, hindi na pinapatulan ‘yan,” pahayag ng producer ng Spring in Prague.
Proud na proud naman si Atty. Ferdie sa kanyang movie na kahit 2 yrs. in the making, tiyak naman daw na quality lalo’t napakamabusisi niya sa bawat detalye at hands-on sa lahat.
May premiere night ang SIP sa Jan. 19 sa Gateway 2 cinema at sana ay maka-join na roon si Sara Sandeva na hindi nakarating sa mediacon.
Kahit super-in love sa isa’t isa…
KASALANG DANIEL-KAILA NGAYONG 2026, ‘DI UBRA!
MALABONG magkatotoo na ikakasal sina Daniel Padilla at Kaila Estrada ngayong 2026 base sa hula kamakailan ng isang fortune teller, dahil ang kapatid ni Kaila na si Moira ang ikakasal sa fiance nitong si Alfonso Miguel this year.
Nag-post nga ng video si Janice de Belen at ibinalitang nasa planning stage na sila para sa kasal ng ikalawa niyang anak na si Moira.
Si Inah de Belen na long-time live-in partner ng Kapuso actor na si Jake Vargas ang panganay ni Janice kay John Estrada. Hindi pa rin kasal ang dalawa at mauunahan pa nga ni Moira.
At kung naniniwala nga sa ‘sukob’ ang pamilya ni Janice, for sure ay hindi niya hahayaang magpakasal din this year ang pangatlong anak na si Kaila kahit pa ang hula ay mabubuntis ito ni Daniel kaya mauuwi sila sa kasalan.
Well, dahil ilang buwan pa lang naman ang relasyon nina Daniel at Kaila, obyus na super in love pa sila sa isa’t isa at i-enjoy muna nila ito. ‘Wag munang magmadali sa pag-aasawa lalo’t ngayon pa lang sumisipa ang career ni Kaila.
At kahit si DJ, marami pang puwedeng gawin sa kanyang career kaya ‘wag silang madaliin ng mga fans.












Comments