top of page
Search
  • BULGAR

Wa' raw pansustentong P100 K kada buwan pero…

HIRIT NG ABOGADO NI CLAUDINE: RAYMART, NAKABILI NG BMW MOTORBIKE AT TODO-SKYDIVING PA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 27, 2020




Tawang-tawa si Atty. Ferdinand Topacio habang kinakantiyawan namin kahapon sa Zoom presscon ng first virtual concert ni Myrtle Sarrosa na gaganapin sa Sabado, Nov. 28, titled Myrtle: Still Love Me, na ka-level niya sina Gerald Anderson at Derek Ramsay sa pagiging heartthrob.


Eh, kasi naman, lahat ng madikit o maka-close ni Atty. Ferdie ay nali-link sa kanya. Remember, many years back ay unang na-link sa kanya ang Kapuso actress na si Bea Binene.


Then, nang maging client niya si Claudine Barretto ay nagkaroon din ng issue sa kanila.


Ngayon naman, ang aktres-singer-cosplayer na si Myrtle ang nali-link kay Atty. Ferdie lalo't ipinag-produce ng masayahing abogado ang dating PBB Big Winner ng online concert, bukod pa sa kasama rin si Myrtle sa ipinrodyus na bagong movie ni Atty. Ferdie thru his Borracho Film Productions, ang Mamasapano.


So, para ma-clarify at matapos na rin ang pagli-link sa kanila, tinanong namin si Atty. Ferdie kahapon kung saan at paano nagsimula ang closeness nila ni Myrtle.


Kuwento niya, six years ago nang una niyang makita si Myrtle sa isang rally kaugnay ng pork barrel scam. Naagaw daw ang pansin niya ni Myrtle dahil sa pagkuha nito ng picture sa rally. At dahil cute raw si Myrtle kaya napansin niya at nilapitan niya para itanong kung para saan ang pagkuha nito ng picture.


Sagot daw ni Myrtle, kailangan niya 'yun sa presentation niya noon sa UP kung saan siya nag-graduate ng college.


In short, nagkakuwentuhan sila at nalaman niyang nagko-compose pala si Myrtle ng mga kanta bukod sa kumakanta rin ito. Inimbitahan daw niya si Myrtle sa kanyang birthday party at nu'ng malaman niyang artista pala ito, nag-issue raw siya ng cheque amounting to P80 thousand pero hindi raw 'yun tinanggap ni Myrtle dahil ang katwiran ng aktres, nagpunta siya ru'n bilang guest ni Atty. Ferdie at hindi bilang paid performer.


Dahil du'n, napabilib ni Myrtle si Atty. Ferdie at du'n na nga nagsimula ang friendship nila. At ngayong pinasok na rin ng abogado ang film production, naisip niyang why not bigyan si Myrtle ng concert lalo't alam niyang very talented ang singer-actress, bukod sa nakita raw niya ang kabutihang-loob nito at ang passion and dedication sa kanyang craft.


Actually, nu'ng May pa raw dapat ang plano nilang concert ni Myrtle pero dahil nagka-COVID pandemic nga, na-delay na, hanggang sa naisip nilang sayang ang opportunity lalo't tinatanggap naman ngayon ng mga tao at tinatangkilik ang online concerts hanggang 'di pa bumabalik sa normal ang lahat.


Kaya sa Sabado, reding-ready na raw si Myrtle na mag-perform ng… take note, majority ng kanyang song number ay sariling composition niya na ngayon pa lang maririnig ng mga fans.


Hugot songs ang mga kanta ni Myrtle dahil hango raw ito sa own experiences niya kaya niya naisulat tulad ng Nasaan Ka Na? na tungkol sa paghahanap niya ng kanyang soulmate at ang Tadhana na halos similar sa isang kantang may linyang… "Pinagtagpo pero 'di itinadhana."


Total of seven own compositions ni Myrtle ang kakantahin niya sa Myrtle: Still Love Me concert, bukod sa cover niya ng Mr. Kupido.


Available pa raw ang ticket for her concert on Saturday, 8 PM, na mabibili sa @ticket2me.net.


Special guest niya ang magaling na Broadway singer na si Gerald Santos together with Outkasts Dancers and Jazz Holes Band and directed by Doc Rommel Ramilo.


Speaking of Atty. Ferdie Topacio, dahil siya ang abogado ni Claudine Barretto na kamakailan ay nagsampa ng kaso laban kay Raymart Santiago para obligahin ang nakahiwalay na mister na magbigay ng sustento sa kanilang mga anak na sina Sabina at Santino, hiningan namin siya ng update kung sumagot na ba si Raymart sa demand ni Claudine.


Aniya, may sagot na ang aktor pero hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung ano ang nilalaman ng affidavit ni Raymart dahil sa December 10 pa lang maghaharap ang nagkahiwalay na mag-asawa para i-settle ang issue ng sustento.


Ipinarating namin kay Atty. Ferdie ang reaksiyon ng ilang netizens na nalalakihan sa P100 K na buwanang sustentong hinihingi ni Claudine.


Sagot ni Atty. Ferdie, "Actually, para sa dalawang bata, tig-P50 K kada buwan, maliit pa nga 'yun, kasi siyempre, kasama rin diyan 'yung pagkain, mga bills nila sa bahay, kuryente, tubig, etc. na ginagamit. Of course, dahil si Claudine ang humahawak ng pera, hindi naman puwedeng 'yung dalawang bata lang ang bibigyan ng sustento lalo't 'di pa naman sila totally annulled."


Sabi namin kay Atty., paano kung 'di kaya ni Raymart 'yung P100 K monthly lalo't pandemic ngayon?


Rebelasyon niya, "Nakaya nga niyang bumili ng bagong BMW motorbike, saka nagpo-post siya na nag-i-skydiving, 'di ba? So, sa tingin ko, kaya naman niya 'yung P100 K monthly. Saka napag-usapan naman na nila 'yan dati ni Claudine at um-agree siya."


Oh, ha? Mukhang walang maitatago si Raymart sa kampo ni Claudine, ha?


Well, abangan natin sa Dec. 10 kung saan hahantong ang hirit ni Claudine kay Raymart tungkol sa sustento.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page