Wa' raw paki kahit i-bash… KRIS, IPINAGSIGAWAN ULI SA SOCMED ANG MGA NAITULONG
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 13, 2022

Brokenhearted man at maysakit, tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ni Kris Aquino sa ating mga kababayan.
Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram ang acknowledgment receipt ng ibinigay niyang 800 pieces of COVID-19 antigen test kits para sa Bureau of Immigration employees/BUKLOD-CID members.
Sinimulan din niya ang kanyang pledge na 1000 cheese pandesal para sa PGH personnel, their patients and companions for 10 consecutive Wednesdays.
Pinasalamatan din niya ang mga nagpadala ng sandamakmak na bulaklak para sa kanya.
At kasama sa series of photos na naka-post ay litanya ni Kris sa kanyang mga ibinigay.
“Kung babatikusin, honestly, CARE ko. PATULOY akong tutulong at patuloy kong ipo-post.
Kasi nga naman: KAILAN BA NAGING MASAMA ANG GUMAWA NG KABUTIHAN? With everything happening in my life, kinakaya ko pa ring isipin na maraming mas mahirap ang pinagdaraanan. I’m posting this today dahil sa nabasa ko sa Philippine Star tweet directly quoting a govt. official answering about DOH not being able to provide test kits. He said, 'I don’t know, I have no answer to that.'
“While I was “1st Sister” & a morning show host, ang generous ng private entities and corporations mag-donate sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya. Siguro, dahil gusto nilang ma-fulfill ang CSR nila at ako po mismo ang nag-a-announce while thanking all who possessed caring hearts.
“Unsolicited advice po: Kayo ang nakapuwesto ngayon, madaling humingi ng donations, especially kapag nag-THANK YOU ang MALACAÑANG, honored ang donors. Simple lang po - lahat nakatulong, lahat may mahalagang nagawa para sa mahal nating bansa.”
Sa caption ng series of photos and video na ipinost ni Kris sa kanyang IG, inamin niya na malayo pang maging okay ang kanyang kalusugan.
“Simple ang dahilan ko, hindi n'yo kami iniwan nu'ng kami ang nangangailangan... I am just reciprocating in the way I am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS,
COMPASSION and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag-January 25, birthday in heaven ng mom ko,” lahad ni Kris.
Pero may request si Kris, huwag pagalitan ang kanyang nurse na hindi nakasuot ng gloves during their IV insertion na isa sa mga photos sa kanyang latest IG post.
Siya raw ang nagsabi sa nurse niya na huwag nang magsuot ng gloves para madaling makakita ng ugat niya na papasukan ng IV needle.
“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood I already knew, for me weakness can never be an option…especially NOW because I have Kuya Josh and Bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko,” diin pa ni Kris.





Comments