top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wa' raw nambastos sa utol ni Sen. Robin… BB, NAGPUNTA NG BINONDO, PROUD NA RESPETADO SIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 29, 2022



Ang bongga ng pagbabalik ni BB Gandanghari sa Pilipinas dahil may hosting job na agad siya. Isa siya sa mga nag-host sa Metro Manila Film Festival Awards Night last Dec. 27 at pinagkaguluhan nga ng press ang kanyang pagdating sa venue sakay ng Porsche car.


Ayon kay BB sa kanyang panayam, masayang-masaya siya sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa bansa after 7 years.


Bukod nga sa nagkaroon agad siya ng hosting job ay may mga offers din daw sa kanya na gumawa ng TV series at pelikula.


“Hopefully, matuloy lahat ‘yan,” sambit niya.


When asked kung sino ang gusto niyang makatrabaho among our younger stars, aniya ay ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.


Ang plano nga raw niya talaga sa kanyang pagbabalik ay bakasyon lang, but at the rate things are going, mukhang hindi raw siya makakapagbakasyon.


But thankful siya sa opportunity lalo na nga ang ibinigay sa kanyang pagkakataon na makapag-host ng MMFF Awards Night.


Sobrang happy din ni BB sa acceptance ng mga tao sa kanya partikular na ang mga non-showbiz people.


“Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako ru'n, walang nambastos, not even once. Everyone is very welcoming and loving. So, I can’t really ask for more,” she said.


Of course, masayang-masaya raw siya na nakapiling niya ang kanyang pamilya lalo na nga ang kanyang inang si Eva Cariño-Padilla na matagal na panahong hindi niya nakapiling.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page