top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wa' raw kagana-ganang magpapiktyur… LEA, TINAWAG NA SOBRANG BASTOS NG FAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 24, 2023




Hindi pa rin matapus-tapos ang samu’t saring reaksiyon sa nag-viral na video ni Lea Salonga, kung saan tumanggi siyang magpa-selfie sa kanyang mga fans na nanood ng stage play niya. Kung may mga celebrities na kumampi at pumabor sa ginawang paninita ni Lea sa mga fans na pumasok sa kanyang dressing room, mas marami naman ang naawa at nakisimpatya sa mga napahiyang fans na hindi man lang napagbigyan na magpa-selfie sa idolo nila.


Katwiran daw ni Lea, natatakot siya para sa kanyang security dahil sa mga fans na basta na lang pumapasok sa kanyang dressing room nang walang pahintulot.


Pero mataray na nag-comment ang isang sikat na nobelistang Pinoy na nakaranas ng hindi kagandahang ugali ni Lea nang pinanood nila ang Miss Saigon sa Broadway.


Napaka-cold daw ng treatment ni Lea sa kanyang mga fans na nagpapa-autograph ng binili nilang CD ng premyadong singer.


“She’s so rude!! Hindi man lang niya ma-appreciate ang kanyang mga Pinoy fans na nanood ng show niya sa Broadway. Sobrang taas ng pagkilala niya sa kanyang sarili!! Pero darating din ang panahon na tatanda siya at mawawala na ang kanyang boses na hinangaan abroad. Doon niya hahanapin ang mga fans na matiyagang naghihintay sa kanya kapag may mga concerts siya o stage plays abroad. At ikalulungkot ni Lea Salonga ang araw na wala nang sinuman ang papansin at magpapa-selfie sa kanya!” ang mahabang litanya ng naturang nobelistang fan na minsan na rin palang nasampulan ni Lea Salonga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page