Wa' raw 'K' maging senador… NETIZENS KAY ROBIN: MAG-VLOGGER KA NA LANG!
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 04, 2022

Durog si Robin Padilla sa mga kritiko niya sa pinakawalan niyang statement sa interbyu sa kanya ni Karen Davila sa programa nitong Headstart sa ANC.
Ang mga isyung sinagot ni Robin kay Karen ay tungkol sa isinusulong niya na federal form of government sa bansa at pagkakakitaan ang Senado.
“Kung gusto mo lang ipakalat ang federalismo, eh, di maging mouthpiece ka lang. Don't take a seat from someone who is more qualified to help the country. We all know it has a high probability of happening too because he's an artista. Aagawan mo pa sina Chel (Diokno) or Neri (Colmenares) kung sakali. Kung mag-educate ka man about federalism sa Senate, 'pag vlogger na lang, Sir, or i-tweet na lang.”
“Mag-YouTube na lang siya kung magpakalat lang ng federalismo layunin niya. 'Di na kailangan ng Senate seat.”
“Ahhh, 'yun lang ba ang plano niya, eh, di mag-vlog na lang siya. Sayang naman ang Senate seat para lang d'yan... Hahaha! Jusko.”
“Puwede namang gawin 'yan while being in showbiz.”
Tinawag ding payaso si Robin ng ilang netizens sa sinabi niya na walang pera sa pulitika.
“Hahaha! Pinaka-payasong tumatakbong senador. Pa'nong wala? Eh, ang daming handang pumatay para lang makaupo sa posisyon."
“Wala pong pera sa pulitika. Ahhh kaya pala ang daming buwaya sa gobyerno.”
“Kung walang pera sa pulitika, bakit hindi maipasa ang anti-political dynasty bill at bakit sumusulpot na parang kabute ang mga partylist groups? Ano'ng tingin mo sa mamamayan, utu-uto!”
Pati ang Manila mayor at presidential aspirant na si Isko Moreno, naidawit ng mga netizens sa sinabi ni Robin.
“Si Isko, P50 M naitabi.”
“Tell that to Isko.”
Kalurky ang mga comments ng mga netizens, ha?





Comments