Wa’ raw ‘K’ maging judge… SIGAW NG NETIZENS: REGINE, MALI-MALI ANG LYRICS ‘PAG KUMANTA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 11, 2022

Malapit na ang Season 2 ng Idol Philippines. Sina Vice Ganda, Regine Velasquez at Daniel Padilla pa rin ang nasa listahan ng mga hurado.
Nawala sa original host si Moira dela Torre na pinalitan umano ni Rico Blanco.
Si Anne Curtis ang magsisilbing host ng Idol Philippines kapalit ni Billy Crawford.
May agad na nagkomento nang malamang si Regine ang isa muli sa mga hosts ng IP.
"Nakakasawa na si Regine. Sa totoo lang, wala siyang karapatang mag-judge ng performance ng mga contestants dahil siya, mali-mali ang lyrics niya ‘pag kumakanta. Panoorin n’yo ‘yung version niya ng Listen, I Am The Dog Who Leave You."
May nagtanong naman, "Wala na si Moira?"
‘Yan ang hindi po namin alam.
Ang nasagap lang po namin ay isa na si Rico sa mga hurado, na sa aming palagay ay mas credible naman kay Moira bilang hurado sa singing contest.
‘Yun lang po ang aming opinyon.





Comments