Wa' raw "K" mag-senador… ROBIN, WA' NANG PINAG-ARALAN, WA' PANG KARANASAN SA GOBYERNO AT PULITIKA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 24, 2022

Malaking setback para kay Robin Padilla ang kawalan niya ng college degree. Ito ang paniniwala ng ilang sektor na walang bilib sa kanyang kakayahan.
Oo nga't naging sikat siyang action star na iniidolo ng marami, kapos na kapos naman siya sa kaalaman sa mga batas na dapat ay alam ng gustong maging public servant.
Dapat daw sana, bago pumasok sa pulitika si Binoe ay nagsimula muna siya sa mababang posisyon, kahit man lang konsehal o mayor ng isang bayan.
At 'yun nga, wala siyang college degree na natapos kaya marami siyang hindi alam kung paano ang buhay ng isang pulitiko.
Oo nga't sinsero siya sa hangarin na makatulong at makapaglingkod sa ating mga kababayan, hindi rin siya maaakusahang corrupt at magnanakaw, pero ang ipinupukol sa kanya ng lahat ay low ang kanyang IQ at hindi kaya ni Robin Padilla ang makipagsabayan sa ibang kumakandidatong senador na mga datihan at beterano na sa larangan ng pulitika.
Grabe ang inaabot ngayon na panghahamak sa pagkatao ni Binoe. Hinuhusgahan siya ng kanyang mga kalaban dahil lang sa hindi siya nakatapos sa pag-aaral.
Hindi raw maidadaan sa popularidad ang pagiging senador.
Street smart lang si Robin Padilla pero kapos sa kaalaman at karanasan.
Well, sobrang harsh at judgmental naman ang ilan sa mga tumutuligsa ngayon kay Robin. Tiyak na marami ang maaawa at makikisimpatya sa kanya, lalo na ang mga mahihirap na umiidolo sa aktor.





Comments