Wa' raw 'K' mag-senador… NETIZEN KAY ROBIN: PLATAPORMA MO, PANG-GRADE 6!
ni Nitz Miralles - @Bida | January 14, 2022

Sinagot ni Robin Padilla ang comment ng isang netizen na “Hoy, Robin Padilla, tatakbo kang senador pero 'yung plataporma mo, pang-Grade 6 class president.”
Sagot ni Robin, “Kawawang Pilipinas batid na pala ng Grade 6 pero wala pa ring nagagawa ‘yung mga kandidato ninyong sa ibang bansa pa nagsipag-aral.
“Mga paulit-ulit [nang] nakaupo at nangangako, galing na galing kayo sa plataporma dahil napakasarap basahin, ‘yung iba, palaliman pa sa wikang [Ingles], pero bakit po kaya wala pa ring nangyayari sa plataporma nila at sa ibinoto ninyo? Lalong naghihirap ang mahirap at yumayaman ang mayaman?"
Walang binanggit na pangalan si Robin. Ang magre-react na tumatakbo ngayon ang lalabas na tinutukoy ng aktor.





Comments