top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wa' raw "K" ipalit ang name sa Del Monte Avenue…FPJ, 'DI BAYANI, MOVIE ICON LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2020
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 21, 2020




Matagal nang may nagmumungkahi na bigyan ng pagkilala ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan ng Del Monte Ave. sa Kyusi para gawing FPJ Avenue.


Noong unang taon pa lang ng death anniversary ni FPJ ay marami na ang humihiling nito at ipinaabot sa Konseho ng Kyusi.


Para sa kaalaman ng lahat, sa Del Monte Ave. nakatira noon ang pamilya Poe at may malaki silang bahay dito. Bata pa raw si FPJ nang ibenta ng kanyang mga magulang ang kanilang ancestral house.


Laking-panghihinayang ni Da King na nawala sa kanila ang bahay nila sa Del Monte Ave.. Maraming masasayang alaala ng kanyang kabataan ang ginugol niya ru'n.


Nang sumikat-kumita na sa pag-aartista si FPJ, sinubukan niyang i-buy back ang kanilang lumang bahay sa bagong owner, pero kahit na gaano pa kataas ang presyong kanilang i-offer, ayaw na talagang ibenta sa kanila ang luma nilang bahay sa Del Monte Ave. hanggang sa nakamatayan na nga ni Da King.


Sa ngayon, isinusulong ni Cong. Anthony Onyx Crisologo sa QC Council na palitan ang Del Monte Ave. ng FPJ Ave. bilang tribute sa Hari ng Philippine Cinema. Co-author si Cong. Crisologo sa House Bill No. 3963.


Ngunit, may ilang tutol at sumalungat na palitan ang Del Monte Ave. at gawing FPJ Ave.. Katwiran nila ay bahagi na raw ng history ang Del Monte Ave. dahil maraming kaganapan sa kasaysayan na parte ang pangalan ng Del Monte Ave.. Hindi naman daw maituturing na bayani si FPJ kundi isang movie icon lang.


Well, let's see kung ano ang magiging final verdict ng publiko, especially ng mga residente ng Kyusi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page