Wa' raw basehan… TIRSO, RUMESBAK NA SA CYBERLIBEL CASE NA ISINAMPA LABAN SA KANYA NI LIZA DIÑO
- BULGAR
- Aug 4, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 4, 2024

Nag-file na ng counter-affidavit si Tirso Cruz III para sagutin ang cyber libel case na isinampa laban sa kanya ni dating FDCP Chair Liza Diño.
Ayon sa abogado ng beteranong aktor kaugnay ng alegasyon ni Diño ay “Unfounded and lacks merit.”
Kasama ni Tirso ang wife na si Lyn Cruz at ang legal counsel niyang si Mary Antonette Baudi nang dumulog sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Maging ang PEP editors na sina Jo-Ann Maglipon at Erwin Santiago, together with legal counsel Ana Alexandra Castro, ay nandu'n para maghain ng counter affidavit.
Ang ibang abogado sa legal team na sina Atty. Peachy Gregorio at Atty. Angela Sibug ay hindi nakasama sa pagpa-file ng CA.
Matatandaang sinampahan si Tirso ni Diño ng kasong cyber libel in relation to a nine-part report published on PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nu’ng May 2023.
Ito ang full statement na isinumite ni Atty. Baudi.
“Mr. Tirso Cruz III, who is among the respondents in a cyber libel complaint filed by Liza Diño, former chair of Film Development Council of the Philippines (FDCP), submitted his Counter-Affidavit before the Quezon City Prosecutor's Office this Wednesday morning, July 31, 2024.
“He was accompanied by his legal counsel, Atty. Mary Antonnette M. Baudi of Alonso and Associates Law Offices.
Unti-unti nang nagiging active muli si Erich Gonzales sa kanyang social media account. May bagong stunning photo na ishinare ang aktres na viral ngayon.
Ang posted picture niya sa kanyang Instagram (IG) feed ay pagpo-promote sa isang dental clinic.
Tuwang-tuwa ang kanyang mga followers dahil muli nilang nasilayan ang kagandahan ng aktres.
Aniya sa caption, “Visited @gaocdental. As always, the service and care were exceptional.”
Ani ng isang fan, “Ganda n’yo po.”
Sa totoo lang, ang daming naka-miss sa aktres magmula nang siya ay magpakasal kay Mateo Lorenzo last March 2022.
Ang Lorenzo family ay isa sa old rich clan dito sa bansa.
Isang fan naman ang nagtanong, “Kailan po uli kayo gagawa ng teleserye? Miss na po namin kayong mapanood.”
Pero sa ngayon, wala pang malinaw na sagot si Erich.





Comments