top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wa' prenup, ex-misis, kaya gustong ipakulong… YAMAN NI VICTOR, MAHAHATI KAY MAGGIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 12, 2023




Wala palang pre-nuptial agreement ang estranged couple na sina Victor Consunji, Jr., CEO at founder ng VCDC (Victor Consunji Development Corporation), at Maggie Wilson, entrepreneur/model/social media influencer.


Ito’y base sa inilabas na dokumento ni Maggie sa kanyang Instagram Stories nu'ng isang araw na nagsasabing walang record ng anumang PRE-NUPTIAL AGREEMENT sa Office of the Municipal Civil Registrar sa Bacacay, at nakuha niya ang kopya noong February 14, 2022 for legal purposes.


Ang nasabing dokumento ay nakuha sa Municipality of Bacacay, Province of Albay, kung saan ikinasal noon sina Victor at Maggie noong Disyembre 18, 2010 at Setyembre 27, 2021 naman naglabas ng official statement si Maggie sa kanyang Instagram na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak pagkatapos ng almost 11 years at nabiyayaan sila ng anak na si Connor na ngayon ay 11 years old na.


Sabi ng aming source nu’ng naghiwalay sina Victor at Maggie ay pinapaalis ng una sa townhouse na pag-aari ng kumpanya niya ang ina ng anak, pero hindi ito umalis, bagkus ay doon pinatira ang kanyang kapatid at anak nito habang nasa ibang bansa ang former beauty queen.


Hanggang sa nagkagulo na sila na kaliwa’t kanan ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Maggie, bagay na pinaghandaan naman pala niya, dahil nga as early as 2022 ay nalikom na nito lahat ang mga papeles o dokumento bilang katibayan in case lumala ang gulo, na nangyayari na nga ngayon.


Sabi ng aming source, “Nanggagalaiti si Victor kasi ‘yung pre-nuptial agreement ay hindi nai-file sa Bicol. Pinapirma si Maggie pero hindi nai-file nu’ng lawyer ng mga Consunji, nalimutan o dahil abala kasi kasal nga nila. Tapos, nu’ng ipa-file na, hindi na valid kasi ilang taon na ang nakalipas.


"Puwedeng mag-file ng prenup 15 days bago ang kasal at hindi naman puwedeng mag-file pagkatapos ng kasal.


“Kaya ‘yan ang hinahabol ngayon ni Victor kasi lahat ng pag-aari niya ay conjugal sila ni Maggie,” saad ng aming source.


Base pa sa post ni Maggie na ini-repost niya sa IG Stories niya, may certification siya na walang record ng pre-nuptial agreement.


Ani Maggie na kinulayan niya ng itim, “Victor Consunji’s statement, February 10, 2023: 'I have resolved to enforce the existing prenuptial agreement strictly and without further consideration.'


“Is this why you want to send me to prison?


"Yours Sincerely,


"Mrs. Margaret Wilson Consunji."


Technically ay mag-asawa pa rin sina Victor at Maggie dahil hindi pa annulled ang kanilang kasal, ayon sa aming source.


Base naman sa mga nabasa naming komento ng mga netizens sa isang showbiz website ay lubos na nilang naiintindihan kung bakit ayaw umalis ni Maggie sa townhouse na pag-aari ng kumpanya ni Victor.


“Kaya pala ayaw umalis nina Maggie & Sister sa VCDC unit.”


Opinyon naman ng isa pang netizen, “Baka naman nasa Taguig nakarehistro ‘yung prenuptial, wala sa Bacacay kung saan sila ikinasal. Posibleng ganu'n ang ganap.”


Say naman ng isa pang netizen, “If not in Bacacay, maybe there is in another town? That's why V is claiming about a pre-nup agreement?”


May sumagot na netizen, “Ang prenup, dapat naka-register sa town/municipality kung saan sila ikinasal. Dalawang beses silang ikinasal sa Bacacay, kaya sa Bacacay lang dapat naka-register ang prenup.


“Give her what is rightfully hers!”


Heto pa, “If you watch The White Lotus, ganu'n ang ugali ni Victor kay Shane Patton. Typical crazy rich Asian na sobrang taas ng pride and ego. I sided with Maggie here. Laban accla.”


May nagsabing, “Jackpot ka, Maggie!”


Nagustuhan naman ng isa ang paggamit pa rin ni Maggie sa apelyido ni Victor. Aniya, “Love it, Mrs. Consunji!” dahil legal wife pa rin siya kahit sino pa ang iharap ni Victor na kasama niya ngayon.

“Mrs. Consunji is on fayaaaarrr (fire).”


May nagpayo naman sa mommy ni Connor, “Maggie, pasaksak mo na lang sa baga ng ex mo ang pera at ari-arian niya. May karma, Maggie. Ang ipagdasal mo na lang, 'wag madamay ang anak mo sa karma ng ama niya. Tumigil ka na, mabuhay nang tahimik sa ibang bansa. Ipagdasal mong hanapin ka ng anak mo pagtanda niya at magkaayos kayo.


Ayun na lang ang isipin mo.”


Opinyon ng isa pang nakiki-Marites, “Bakit si Maggie ang may kasalanan? Kaya pala ang daming kaso ni Maggie, kasi walang prenup. Mas gugustuhin ni Victor na nasa kulungan ang ina ng anak niya kesa ibigay ang nararapat kay Maggie. Walang prenup agreement kaya ganyan talaga ang batas.”


Samantala, may nabasa kaming komento na paano raw nakakuha ng legal documents si Maggie gayung wala naman siya sa Pilipinas?


“Ha, ha! Maraming abogado si Maggie, sila ang nag-aasikaso ng lahat. Hindi niya kailangang umuwi rito para diyan,” say ng aming source.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page