top of page

Wa' paki sa bashers, basta Calendar Girl siya… KIM, FEELING SEXY PA RIN KAHIT FLAT ANG BOOBS AT PUWET

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 26, 2024



Photo: Kim Chiu - FB, IG - Tanduay


Marami ang nagulat kung bakit ang Chinita Princess na si Kim Chiu ang piniling Calendar Girl ng Tanduay, eh, hindi naman siya matatawag na sexy. 


Bukod dito, flat-chested si Kim, para siyang kawayan na diretso lang ang katawan at walang puwet. Hindi siya tulad ng ibang Calendar Girls na voluptuous at oozing with sex appeal.


Anyway, hindi naman nagpaapekto si Kim sa kanyang mga bashers, dedma siya sa mga kritiko. Naniniwala si Chinita Princess na hindi na uso 'yung may voluptuous body lang ang may karapatan na matawag na sexy. Kahit ano pa ang body shape ng isang babae, kahit na tabachingching pa, basta’t feeling niya ay sexy siya, ‘yun na ‘yun!


Hindi dapat ma-insecure kung hindi pang-Ms. Universe ang korte ng katawan. Walang kiber si Kim kahit na sabihin pa ng mga bashers na kaya lang siya kinuha bilang Calendar Girl ay dahil sikat na sikat siya.



Malaking threat sa ibang movie outfits ngayon ang Mentorque Productions na pinamumunuan ni Bryan Diamante. Sila rin ang producer ng pelikulang Mallari na pinagbidahan ni Piolo Pascual at kumita nang malaki noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023. 


Super-bongga ang ginawang pag-promote noon ng Mentorque Productions sa Mallari, talagang pinag-usapan at tumatak sa moviegoers ang pelikula at humakot ng awards.


Ngayon, mas malaking hamon ang haharapin ng Mentorque Productions sa pelikulang Uninvited na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Aga Muhlach, kasama sina Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, RK Bagatsing, Gio Alvarez, Gabby Padilla, atbp..


Maging si Direk Dan Villegas ay may dapat patunayan sa pelikulang Uninvited. Dalawang premyadong artista ang bida sa movie, sina Vilma Santos at Aga Muhlach. Kakaiba ito sa mga pelikulang kanyang nai-direct. 


Masusubukan ang galing ng partnership nina Direk Dan Villegas at Bryan Diamante ng Mentorque Productions sa pelikulang Uninvited na kasama sa MMFF 2024.



Marami ang nagsasabing bumagay kay Ruru Madrid ang kanyang new look ngayon para sa kanyang role sa part 2 ng seryeng Lolong


Maikli ang buhok at ang tikas-tikas ng porma ni Ruru, at lumutang ang kanyang pagiging action star. 


Matured na ang aktor, hindi na siya ang dating Ruru Madrid na patpatin at mukhang malnourished.


Kinarir nang husto ni Ruru ang pagpapaganda ng kanyang katawan upang maging physically fit siya sa pagsisimula niyang mag-taping para sa sequel ng Lolong


Marami siyang fight scenes, kaya nag-undergo siya ng training sa martial arts. Kailangan sa kanyang mga eksena na maging maliksi siya at malakas.


Pabor naman ang ilang mga netizens sa ginagawang ito ni Ruru Madrid para sa kanyang career. Hindi naman siya forever na matinee idol at nakatali sa kanyang ka-love team. Mas makakabuti kay Ruru kung magso-solo lang siya at luminya sa pagiging action star.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page