top of page

Kahit 2nd cousin pa… SANDRO, UMAMIN KUNG BAKIT ‘DI CLOSE KINA ATASHA AT ANDRES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 39 minutes ago
  • 2 min read

ni Melba R. Llanera @Insider | January 24, 2026



Robi Domingo - FB.jpg

Photo: File / Robi Domingo - FB



SIiniguro sa amin ni Sandro Muhlach na walang kompetisyon sa pagitan nila ng second cousin niyang si Andres Muhlach at masaya siya sa magandang takbo ng career nito at ng kakambal na si Atasha Muhlach. 


Ayon kay Sandro, bata pa lang ay nakitaan na niya ng potensiyal si Andres, lalo’t super-guwapo at may star quality. 


Hindi rin niya pinagtatakhan ang mainit na pagtanggap ng publiko sa AshDres o Andres-Ashtine Olviga team-up. 


Nabasa ni Sandro ang mga komento ng publiko sa tambalan ng dalawa at kapansin-pansin umano ang kanilang chemistry.


Aminado rin si Sandro na mas close siya kay Iggy Boy Muhlach kaysa kina Andres at Atasha, at dulot na rin ito ng layo ng tirahan nila at ng busy schedule ng bawat isa. 

Huli silang nagkasama-sama sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) kung saan nasa iisang lamesa sila at nagkumustahan. Hindi rin niya inakala na mahusay na TV host si Atasha, na naipakita nito sa noontime show na Eat… Bulaga! (EB!).

Sa ngayon ay abala si Sandro sa pagtulong sa pagpapalago ng kanilang negosyo na Megamelt Bakeshop habang naghihintay ng mga proyektong gagawin niya ngayong 2026. 


Patuloy din ang kanyang pagdarasal na sana ay manalo ang mga kasong isinampa niya laban sa dalawang independent contractors ng GMA-7 kaugnay ng sexual harassment sa kanya.




Nasa history na ‘yang ginawa niya…

SIKAT NA AKTRES, BIGLANG IPINATIGIL ANG INTERVIEW NG PRESS, NAKASIMANGOT PA





BLIND ITEM:


SINO ang sikat na aktres na ito na naging dahilan kung bakit hindi na pinatapos ang interview ng mga TV crew sa isang high-rating primetime serye ng isang

network? 


Bago dumating ang sikat na aktres ay malayang nakaka-interview sa loob ng venue ang mga TV crew. Pero nang dumating siya ay kinausap ng staff ng serye ang mga reporters at sinabihang tapos na ang mga interviews.


Nakausap ng isang reporter ang naturang staff at tinanong kung sino ang nagreklamo. Inamin naman ng staff na ang sikat na aktres nga at nakasimangot na agad nang makita sila.


Sino ang naturang aktres? Sikat siya noong panahon niya at ngayon ay pahinga na sa paggawa ng mga proyekto.



SAMANTALA, ibinahagi ni Debbie Lopez na ang mga aktor na sina JM de Guzman at Joseph Marco ang kanyang showbiz crushes. 


Isang singer, host, cosplayer at Radyo Agila anchor, nakilala si Debbie sa Visayan song na Ang Higugmaon Ka na tumutukoy sa isang unconditional love. 

Si Ice Seguerra naman ang nais niyang maka-collaborate kung mabibigyan ng pagkakataon. 


Ayon kay Debbie, nakikita niyang magiging komportable siya rito, bukod pa sa gusto niya ang pagiging acoustic singer nito at hindi mabirit. Kung magkakaroon siya ng concert, si Ice rin ang gusto niyang maging special guest.


Nakapag-guest na si Debbie sa Letters and Music (LAM) at NET25 noong nakaraang taon, at nitong nakaraang Lunes ay sa morning show ng istasyon na Kada Umaga, kung saan masayang-masaya siya sa naging guesting. 

Magkakaroon din siya ng collaboration sa kilalang composer na si Mon del Rosario, ang may likha ng mga kantang Somewhere in My Past, Sino ang Baliw, Minsan, at Kay Sarap Isipin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page