top of page

Beauty queen daw siya… VICE, PINATATAKBONG PRESIDENTE, NA-BASH, TODO-TANGGI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 37 minutes ago
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | January 24, 2026



SPECIAL ARTICLE - VICE, PINATATAKBONG PRESIDENTE, NA-BASH, TODO-TANGGI_IG _praybeytbenjamin

Photo: File / IG _praybeytbenjamin



Dahil hindi pa rin nareresolba ang korupsiyon sa bansa, may ilang nagtutulak na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. 

Sa Laro Laro Pick episode ng It’s Showtime (IS) kahapon ay napag-usapan itong muli. 


Masaya ang madlang pipol dahil present si Anne Curtis na laging wala dahil busy sa kanyang upcoming movie with Jericho Rosales, ang The Loved One.


Sey ni Anne kay Meme, “Alam mo, dapat tumakbo ka. Iboboto kita.”

Sagot naman ni Vice, “Alam mo, tama na. Kasi bata pa lang ako, takbo na ako nang takbo sa Sta. Ana. Hanggang pagtanda ko ba naman?”


Dagdag pa nito, "Hoy! Itigil ninyo na nga ‘yang takbu-takbo na ‘yan. Bina-bash tuloy ako na wala akong ginagawa. I am a beauty queen, I am not a politician. I’m just a beautiful face in the industry.”


Sundot naman ni Jhong Hilario, “If ever, ha, ngayon lang magkakaroon ng presidente na Vice.”


Napahinto si Vice at nag-isip, ngunit seryoso ang sagot niya.

“Yeah, but let’s not entertain the thought,” sey niya.


Well, sey ni Anne, kapag may nagsasabi sa kanya o kung may nagtatanong kung tatakbo ba bilang presidente si Meme Vice, sagot niya ay hindi puwedeng masira ng pulitika ang beauty nito, dahil masyado raw maganda ang kanyang ‘sisterette’.


Kaya pagkumpirma ni Vice, “I am so beautiful and happy. Peace is surrounding me.”

Dahil maraming umaasa na tatakbo s’ya, paglilinaw n’ya, “Nagbibiruan lang po kaming magkakapatid.”


So, sino kaya ang mga haharap o kakalaban kay Sara Duterte sa 2028? 

Si Meme Vice Ganda na kaya ang kasagutan sa mga problema ng bansa? Abangan natin ‘yan!



NAGING emosyonal si Rochelle Pangilinan nang bigyang-pugay ang mister na si Arthur Solinap na inilarawan niyang ‘greatest gift’ sa kanya ng Diyos na isang responsableng ama.


Sa panayam ni Karen Davila na in-upload sa YouTube (YT) channel ng broadcaster, ibinahagi ni Rochelle kung gaano siya ka-thankful sa buhay na meron siya ngayon kasama ang kanyang asawa.


“S’ya (Arthur) ang greatest gift sa akin ni God. Wala akong Shiloh kung wala s’ya. And siguro, ‘di ako ganito kaganda. ‘Yung buhay namin ni Art, ito talaga ‘yung pangarap kong buhay. ‘Di ganu’n kayaman, simpleng buhay, pero masaya. Si God talaga, ibang klase ang ibinibigay n’ya sa akin at ‘yun ay sapat na sapat,” ani Rochelle.


“And napaka-responsible ng asawa ko. Sa school, busy ako ngayon, s’ya ang sundo at hatid. S’ya nag-aayos ng buhok ng anak ko. S’ya nagpapaligo, s’ya lahat,” dagdag pa niya.


Inamin din ni Rochelle Pangilinan na may mga pagkakataong napapagod siya dahil sa trabaho, pero palaging nand’yan si Arthur Solinap para umalalay at umako ng mga responsibilidad sa bahay, lalo na sa pag-aalaga sa mga anak sa kabila ng pagiging aktor din nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page