top of page

Hiningan pa raw ng ID… ALDEN, NAPAGKAMALANG MENOR DE EDAD SA US

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 42 minutes ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 24, 2026



Alden RIchards

Photo: I Alden Richards / IG



Boyish looking naman talaga ang Kapuso actor na si Alden Richards kaya hindi kataka-takang mapagkamalan siyang ‘totoy’ sa Tate. 


Feeling proud si Alden dahil sa edad niyang 34 ay napagkamalan pa rin siyang bagets.

Kuwento niya, may pagkakataon daw na hiningan siya ng ID sa ilang establishments sa US dahil inaakalang minor pa lang siya. 


Aniya, “Marami ngang nagpi-feedback na nagugulat sa edad ko, especially nu’ng nasa US ako last vacation ko. Usually, ‘pag minors, hinihingi ang ID o ‘pag nagka-card sila.

“I still get that a lot. Du’n ako proud talaga, na Pinoy tayo, na mukha talaga tayong mga bata. Ang sarap ng feeling!”


Sa U.S. nagbakasyon si Alden noong holiday season kasama ang buo niyang pamilya. 

Aniya, “Medyo nakapagpahinga. I think, ang dami rin kasing nangyari last year. Like we did Stars on the Floor, then nag-film ako ng international film, nag-produce rin ako. Ang dami ko ring activities for charity.”


Sa pagpasok ng 2026 ay hindi maiwasang maging busy na naman ang aktor. Nariyan ang bago niyang teleserye na first time nilang pagsasamahan ng award-winning actress na si Nadine Lustre, may international movie rin siya kung saan isa rin siyang producer, at ang pagbabalik ng Season 2 ng dance reality show na siya ang host.





9 yrs. nang magdyowa…

GABBI, FEELING JACKPOT KAY KHALIL





MAY heartfelt birthday message si Gabbi Garcia sa boyfriend na si Khalil Ramos. Binalikan ng actress-host ang pagmamahal niya kay Khalil sa 30th birthday ng actor.


Aniya, “Maligayang kaarawan sa pag-ibig ng aking buhay. Nakilala kita noong ikaw ay 19, natagpuan natin ang isa’t isa noong ikaw ay 21, at mula sa sandaling ‘yun, ang puso ko ay palaging iyo. 


“Ngayon, ikaw ay magiging 30, at kahit papaano ay patuloy na lumalalim at gumaganda ang pagmamahal ko sa ‘yo sa bawat araw. ‘Di ko maiwasang makaramdam ng labis na pananabik para sa lahat ng mga taon, pangarap, at tahimik na maliliit na sandali na ating pinagsasamahan sa buong buhay natin.”


Nagpasalamat din si Gabbi sa pagkakaroon ng isang Khalil sa kanyang buhay. 

Mensahe pa niya, “Palaging sinasabi sa akin ng mga tao kung gaano ako kasuwerte na ikaw ang kasama ko, at totoo ‘yun sa lahat ng paraan. Ikaw ay banayad, matiyaga, at ang pinakamapagmahal na kaluluwa. Araw-araw ay nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapahintulot sa akin na tahakin ang buhay na ito kasama ka, lumago kasama ka, at walang katapusang pagtawa kasama ka.”


Tinapos ni Gabbi ang kanyang nakaaantig na mensahe sa isang deklarasyon ng pagmamahal at pasasalamat. 


Aniya pa, “Mahal kita nang buong-buo. Salamat sa iyong magandang puso at sa iyong mahalagang buhay. Walang hanggang pasasalamat ko sa ‘yo, ngayon at magpakailanman. Maligayang kaarawan, aking mahal.”


Paano ba naman hindi mamahalin nang husto ang isang Gabbi Garcia? Bukod sa maganda at napakabait na tao ay isa ring God-fearing. 

“Sana all!” sey ng mga netizens. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page