Wa’ paki sa bagyo ang mga smugglers sa Customs, tuloy lang ang raket, buwisit!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 3, 2020
IPANTULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO ANG “PORK BARREL” NG MGA CONG.—Marami na naman tayong kababayan ang labis na naapektuhan ng super-typhoon “Rolly”, may mga nadisgrasya, nawalan ng bahay at kabuhayan.
Sa dagok na dinanas, kailangan ng mga kababayan nating lubos na naapektuhan ng bagyo ang tulong ng pamahalaan at lingkod-bayan.
At kung pagbabatayan ang ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na higit P396 billion na isiningit ng mga kongresista sa 2021 national budget sa DPWH, na pang-projects nila ay malaki ang maitutulong nito sa mga biktima ng bagyo.
Kaya’t ang tanong: Bawasan kaya ng mga kongresista kanilang “pork barrel” para ipantulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo? Abangan!
◘◘◘
WALANG BAGYO-BAGYO SA MGA SMUGGLERS SA CUSTOMS—Habang nananalasa ang Bagyong “Rolly”, nagsasagawa ng smuggling ng mga ukay-ukay, asukal, plastic resins at general merchandise sa Customs sina alyas Tina U, Bebang, Big Mama, Joel T. at Kimberly Gang.
Ibang klase ang mga smuggler sa ‘Pinas, walang bagyo-bagyo, mga buwisit!
◘◘◘
KAPAHAMAKAN ANG KAPALIT NG KABUTIHANG-LOOB NI ANGEL LOCSIN—Kilala si Angel Locsin na tumutulong sa mga biktima ng kalamidad, maging sa mga biktima ng giyera sa Marawi City at sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay nakita rin siyang nagbibigay-tulong, at kahit kapamilya niya sina dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Ella Colmenares, hindi naringgan ang aktres na nananawagan sa kanyang mga tinutulungan na sumapi sa militanteng grupo.
Ang masaklap, kapahamakan pala ang kapalit ng kabutihang-loob ni Angel dahil pati siya ay nire-red-tagged ni Gen. Antonio Parlade, commander ng SolCom (Southern Luzon Command)-spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communists Armed Conflict), tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PABIDA LANG YATA NI P-DUTERTE NA HATE NIYA ANG KORUPSIYON—Ang utos ni P-Duterte sa DOJ na lansagin ang korupsiyon ay tila pabida lang
Para kasing hindi kapani-paniwalang hate ni P-Duterte ang korupsiyon dahil inutusan nga niya ang DOJ na imbestigahan ang mga “buwaya” sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, pero inaabsuwelto naman agad niya sa katiwalian mga head ng mga departamentong pinamamahayan ng mga kurakot, boom!





Comments