Wa' paki kahit malait, itinodo na… JAKE ZYRUS, PROUD NA IDINISPLEY ANG TOPLESS PHOTO NIYA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 20, 2022

Viral ang larawan ni Jake Zyrus na kinunan ang sarili sa salamin ng banyo nang topless at ang mensahe niya sa lahat ay…
“MASAYA AKO... ETO AKO... KOMPORTABLE.
"Una sa lahat, salamat sa lahat ng napakaganda n'yong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat.
“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung ano'ng sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi pa rin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro, dahil na rin sa standard ng karamihan.
“Pero ngayon, palalayain ko na lahat 'yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong-buo ko i-post ito.
“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko.
Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara, sasabayan kita.
Para sa 'yo 'to.
“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din 'yun. Lahat 'yan, may tamang panahon. Well. This is me, guys.
“Mahal ko kayong lahat.
"Jake"





Comments