Wa' paki kahit ex-GF ni Luis… EDU, TANGGAP NA TINAWAG NI ATTY. TOPACIO NA DABIANA SI ANGEL
- BULGAR

- Oct 3, 2020
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 3, 2020

Agad na nilinaw ng producer ng Borracho Film Production na si Atty. Ferdie Topacio na sumusunod sila at walang nilabag na safety and health protocols ang kanyang film outfit ngayong magsisimula nang mag-shooting ang Mamasapano movie na pagbibidahan nina Edu Manzano, JC de Vera at Aljur Abrenica, kung saan kasama rin sa cast sina Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Gerald Santos, Allan Paule at marami pang iba.
Sa virtual storycon ng Mamasapano last Thursday, sinabi ni Atty. Ferdie na ipina-swab test nila ang lahat ng kasama sa production na umaabot daw sa 85 people, bumili rin sila ng napakaraming disposable face mask and face shields, alcohol, sanitizers at iba pang pang-disinfect na gagamitin sa shooting na gagawin sa Batangas.
Sa kaso ni Edu na 65 yrs. old na (in fairness, mukha lang siyang 64, char! Peace, Sir Doods!), paliwanag ni Atty. Ferdie, kahit pa senior citizen na ito ay okay pa ring mag-work basta fit and healthy, kaya wala silang nilabag na protocol.
Nagtaka kasi kami dahil ang akala namin, bawal lumabas at mag-work ang mga senior citizens, pero mabuti na lang at nalinaw 'yun ng lawyer-movie buff-producer.
Samantala, paliwanag ni Edu, kahit risky na mag-work dahil sa COVID-19, ang layunin niyang magbigay ng kontribusyon para sa bayan ang nagtulak sa kanya na ituloy ang Mamasapano.
Dati pala kasing sundalo si Sir Doods (Class '82 daw) at ka-batch niya si Gen. Benjamin Magalong na ngayon ay gagampanan niyang karakter sa Mamasapano, kaya gustung-gusto niya ang role niya sa movie, bukod sa naka-commit na siya sa kaibigan pala niyang si Atty. Topacio.
Anyway, naalala namin ang controversial comment ni Atty. Ferdie sa first virtual presscon ng Mamasapano movie kung saan tinawag niyang "Dabiana" si Angel Locsin. Kaya naman, hiningi namin ang reaksiyon dito ni Edu knowing na dating GF ng anak niyang si Luis ang aktres na diumano'y na-body shame ng kanyang movie producer.
Pabirong sagot ni Sir Doods, tapos na ang presscon kahit kami pa lang ang unang nagtanong, pero kidding aside, aniya ay inirerespeto niya ang pahayag at opinyon ni Atty. Ferdie dahil "Everyone is entitled to his or her own opinion."
'Di rin naman daw naapektuhan ang friendship nila ng lawyer-movie producer at sa tingin nga namin, ang saya nila 'pag nagkakasama dahil pareho silang makulit at malakas ang sense of humor.





Comments