Wa' paki gumastos… KIM, NAGPA-BLOCK SCREENING PARA SA MOVIE NI CHA EUN-WOO
ni Nitz Miralles - @Bida | December 10, 2022

Ibang klaseng mag-fangirling si Start-Up PH star Kim Domingo at grabe ang suporta sa kanyang favorite Korean actor na si Cha Eun-woo. Nagpa-block screening ang aktres ng pelikula ni Cha Eun-woo na Decibel.
Ang inimbitahan niya ay kapwa Cha Eun-woo fans at nagpatulong mang-imbita sa Cha Eun woo Global Fan Support na for sure, beshies na rin niya. For sure, hindi ‘yun ang magiging last nilang pagkikita ng ibang fans ng Korean actor.
Matatandaang pumila si Kim nang ilang oras para lang makabili ng tiket sa fan meet ni Cha Eun-woo na ang iba ay ibinigay sa mga kapwa niya fans. Dumalo rin siya sa media event para sa fan meet ng favorite Korean actor.
Heto pa, nagpadala rin si Kim ng rice wreath sa fan meeting ni Cha Eun-woo sa South Korea para ipakita ang kanyang suporta. Marami pang gagawin si Kim for her favorite Korean actor.
Malapit na palang magtapos ang Start-Up PH at umaasa ang mga fans ni Kim na may kasunod siyang project sa GMA-7. Sana raw ay rom-com ang ibigay na project kay Kim dahil bagay sa mukha niya ang ganitong genre.





Comments