top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Wa’ nang paki sa iba… KATHRYN AT MAYOR MARK, HOLDING HANDS NA IN PUBLIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 6, 2026



Kathryn Bernardo at Mark Alcala

Photo: File / Circulated



Inilantad na ni Kathryn Bernardo sa publiko ang kanyang tunay na relasyon kay Lucena City Mayor Mark Alcala sa latest sighting sa kanila ng mga netizens habang nasa Thailand.


Nakunan ng camera ang dalawa na HHWW (holding hands while walking) habang pababa ng escalator sa EmSphere Mall sa Bangkok nitong nakaraang Holy Week.

Sa mga larawan ay makikitang nakangiti si Kathryn, walang mask at hat na kadalasang suot niya kapag magkasama sila ni Mark upang hindi siya makilala ng mga tao.


Looking very happy din sina Kathryn at Mark sa mga larawan at tila wala nang pakialam sa mga nakakakita sa kanila.


Ang latest sighting na ito ay isang malinaw na resibo na nasa dating stage o in a relationship nga sina Mark at Kathryn.


Bukod dito ay may video rin na ipinost ang aktres kung saan makikita na nakahawak siya sa braso ng isang guy at bagama’t hindi nakikita ang mukha, ang hula ng mga netizens ay si Lucena Mayor Mark Alcala ito dahil tugma raw sa bracelet na suot ng alkalde.


Noon pa ay marami nang sightings na magkasama sila sa iba’t ibang lugar, pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nila tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.





AMINADO si Dingdong Dantes na bilang ama ay nangangamba siya sa future ng kanilang mga anak dahil na rin sa nangyayari sa ating mundo sa kasalukuyan.

Sa latest episode ng KC After Hours (KCAH) noong Sabado, aniya, “Sobra ‘yung pangamba. Pangamba, lungkot, at parang panic na kung walang malaking pagbabagong mangyayari, eh, nakakalungkot na ganitong mundong mai-inherit nila, ng ating mga anak.”


Dagdag pa niya, “That’s why, s’yempre, even as storytellers, as actors, as people in media, parang it’s good that we show the realities of today through the characters we portray, through the stories that we tell. Pero ang tanong, eh, sino ang sasagot sa mga katotohanang ito na sana ay magbago dahil ayaw natin itong mamana ng ating mga anak sa susunod na henerasyon?”


Pero umaasa pa rin daw siya na magkakaroon pa ng pagbabago sa ating bansa para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak lalo pa nga’t may mga batang lider na rin tayo mula sa bagong henerasyon.


“I have hope because we’re seeing young leaders, we’re seeing new leaders. Kahit na alam nating may challenges, katulad ng mga nabanggit kanina, eh, mayroong opportunities for the good ones to lead.


“And ‘yun ang dasal ko na sana, mapuno ng mga mabubuting lider ‘di lang ‘yung bansa, kundi sa industriya, sa lahat ng mga ginagawa natin,” wika ni Dingdong Dantes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page