Wa' nang itinatago… RURU AT BIANCA, NAG-I LOVE YOU-HAN SA SOCMED
ni Nitz Miralles - @Bida | July 3, 2022

Ang daming kinilig sa convo nina Ruru Madrid at Bianca Umali na nagsimula nang i-post ng aktres ang poster ng Lolong na pinagbibidahan ng boyfriend niyang si Ruru at may caption na: “Infinitely proud of you @rurumadrid8.”
Sinagot ‘yun ni Ruru ng “Aww! Thank you for being my inspiration para dito sa Lolong. Many times gusto ko na lang sumuko pero ikaw ang nagpu-push sa 'kin to fight at kayanin ang bawat challenges na pinagdaanan ko dito. You know how much you mean to me. 143.”
Sumagot naman si Bianca ng "@rurumadrid8 1432.”
Pati showbiz friends ng dalawa, kinilig gaya ni Pokwang na nag-comment ng “Hoooy @bianxa @rurumadrid8 ano ito??? Daming langgam!!! May nagkalat ng asukal???"
“GO GO GO LOLONG!!!!!” naman ang comment ni Ken Chan.
Hindi ru'n nagtapos ang pagpapakilig nina Ruru at Bianca dahil sa kasunod na post ng aktres, nag-comment ang BF niya ng, “Hi! Amishuu.”
Nasa South Korea kasi si Ruru para sa shoot ng Running Man Philippines.
Dahil wala sa bansa si Ruru, tiyak na panonoorin ni Bianca ang world premiere ng Lolong sa July 4, 8:00 PM at muli niyang ipe-flex si Ruru at ang ganda ng series nito sa direction nina Rommel Penesa at Rado Peru.





Comments