Wa' namang papel sa gobyerno… DAWN, BINATIKOS SA PAGSAMA KAY PBBM SA SWITZERLAND
- BULGAR
- Jan 19, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 19, 2023

Binatikos si Dawn Zulueta bilang isa sa 70 katao na kasama ni P-BBM na nagpunta sa Switzerland recently.
Kinukuwestiyon ng netizen kung bakit bahagi ng delegado ni P-BBM si Dawn gayung hindi naman bahagi ng anumang sangay ng gobyerno ang aktres.
Comment ng netizen, “Oh, pati si Dawn Zulueta, nasa Switzerland din. Field trip yarn???”
“Ano'ng ganap ni Dawn Zulueta sa Switzerland?"
“Hindi ba afford ni Dawn Zulueta pumunta ng Switzerland on her own holiday trip and expenses?
That’s a serious question because my friends can afford so even without humble salaries as private citizens.”
Suggestion pa ng mga netizens, dapat kunan din ng report si Dawn sa kung ano’ng silbi niya sa pagsama kay P-BBM sa Switzerland.
“Dapat hingan ng travel report si Dawn Zulueta….ano'ng na-accomplish niya sa pagsama sa Switzerland?”
“Para ma-withdraw ang pera, kailangan ng magandang distraction, ala-Ocean's 8. Charot!”
Pinagdudahan din ng mga netizens na planong itago ni Dawn ang pagsama niya sa Switzerland with P-BBM.
“Dawn Zulueta kasi 'yun. Sabay search ko sa IG niya, wala pa siyang post na kasama siya sa Switzerland.”
May nagdepensa naman kay Dawn, “Plus 1 siya ng husband, Lagdameo.”
“Pati si Dawn Zulueta, kasama sa Switzerland kasama 'yung hubby. Rich ng 'Pinas."
“So, alam na this. Pag-uwi ng 'Pinas, singing to high heavens itong si Dawn na best president ever itong si P-BBM."
"Social climber No. 1.”
Bukod kay Dawn, kasama rin sa Switzerland trip ni P-BBM si Direk Paul Soriano. Pero hindi niya kasama ang misis niyang si Toni Gonzaga.





Comments