top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wa' naman daw plataporma… MADLANG PIPOL KAY ROBIN: PURO KA KAWAY, PA-CUTE AT KANTA LANG SA KAMPANYA

BULGAR
Mar 23, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 23, 2022




Hanggang ngayon, hindi pa rin tinatantanan ng mga bashers si Robin Padilla. Marami pa rin ang hindi bilib sa kanyang kakayahan upang sumabak sa senatorial race.


Sa mga campaign rallies daw ng Uniteam ay walang ginawa ang aktor kundi kumaway, magpa-cute at kantahin ang Wonderful Tonight na kanyang favorite song.


Wala raw solidong plataporma si Robin Padilla at ang gustong isulong na pagbabago ay maging federalismo ang form ng ating gobyerno.


Kaya ang komento ng ilang political analysts ay kapos na kapos si Robin sa karanasan bilang public servant. Ni hindi raw ito nagdaan na maging konsehal, vice-mayor, mayor o governor ng anumang bayan.


Ang tanging maipagmamalaki lang ni Binoe ay isa siyang sikat na action star na may libu-libong fans and supporters.


So, ano ang chance na lumusot siya sa pagka-senador lalo na't puro bigatin ang kanyang mga makakalaban sa senatorial race?


Puro mga datihang senador na tried and tested na ng taumbayan ang kakayahan ang makakalaban ni Robin. But who knows, baka makatiyempo si Robin Padilla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page