Wa' naman daw alam sa mga festivals… SIGAW NI VIVIAN: MMFF, DAPAT IBALIK NG MMDA SA FDCP
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 10, 2022

Ipagdiriwang ng Film Development of the Phils. (FDCP) ang Pride Month this June sa pamamagitan ng PeliKULAYa: International LGBTQIA+Film Festival in a hybrid format mula June 10 to 26.
Ang tema ng PeliKULAYa ngayong taon ay “Pantay=Pantay, Iba’t Ibang Kulay!”
“This year, as we continue to fight for the freedom and rights of the LGBTQIA+ community, we also celebrate the achievements and support the causes of the members of the community this June. We, at the FDCP, are offering an eventful month through PeliKULAYa with a month-long lineup of film screening and events to celebrate this significant month. Happy Pride Month from Team FDCP,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño sa ginanap na mediacon para sa 2022 PeliKULAYa filmfest.
Nasa 50 local and international films ang co-presenters ng FDCP by partner embassies and organizations like the British Council, Embassy of Sweden, Embassy of Denmark, Embassy of Chile, Embassy of Spain, Embassy of Canada, Korean Cultural Center, US Embassy, Mexican Embassy, Instituto Cervantes na mapapanood sa online and onsite bilang bahagi ng festival’s line-up this year.
Unang mapapanood sa June 10 ang Lingua Franca ni Isabel Sandoval na ipapalabas sa Cinematheque Centre Manila sa may Taft Avenue, Manila. Habang ang six subscription films and one available for rental on the FDCP Channel, including 10 films from this year’s PeliKULAYa LGBTQIA+ Short Film Competition and six films from Cinespect4a Short Film Festival 2019 ay puwedeng mapanood nang libre via streaming throughout the festival.
And then on June 26, the PeliKULAYa 2022 closing Program “Para sa Makulay na Bukas!” will serve as the closing event of this year’s festival. Dito rin ia-announce ang mga mananalo sa PeliKULAYa: Short Film Competition.
Samantala, katabi ni Chair Liza na humarap sa mga taga-media and vloggers ang kasalukuyang Director-General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Vivian Velez.
Dito naihayag ni Vivian ang kanyang saloobin sa kalagayan ng movie industry.
“Unang-una, 'yung ating mga cinema exhibitions. Kasi, 'yan talaga ang isang problema ng filmmakers. Kasi, paano naman tayo uunlad kung isa o dalawang araw lang ang ating pelikulang ipapalabas sa sinehan?
“So, I guess, it’s a whole approach, eh, ng buong Pilipinas. Kasi siyempre, alam naman natin, negosyo 'yan. But then, someone has to give. Somebody has to give. Hindi kasi pupuwedeng hindi ma-subsidize ito ng gobyerno dahil otherwise, mamamatay talaga.
“Patay na ang ating pelikula. Kung hindi rito sa ating mga young filmmakers, kasi mga greenhorn pa sila, ‘no, idealist pa, magaling pa silang manghingi ng pera sa mga magulang nila,” lahad ni Vivian.
Isa pa sa mga pinag-uusapn daw nila sa FAP board ay kailangang maibalik sa kanila (FAP and FDCP) ang Metro Manila Film Festival.
“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival.
“Alam ko, marami akong puwedeng sabihin because puwede na akong magsalita ngayon dahil by experience ng Film Academy of the Philippines,” esplika ni Vivian.
Pagkatapos ay ibinulalas ni Vivian ang kanyang panawagan sa MMDA.
“Under MMDA, ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana, matulungan ninyo kami.
“Ang gusto ko sanang mangyari, at the helm of Chair Liza. Kasi, talagang alam na alam niya kung paano gawin ang mga festival na ito.
“Nasa mandate ito ng FDCP. Sana, tulungan ninyo kami na kalampagin ang MMDA na ‘Maawa na kayo sa industriya! At ibigay ninyo ang Metro Manila Film Festival sa FDCP para ma-manage nang mabuti ito,'” diin pa ni Vivian.
So there!





Comments