top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wa’ naman daw alam… HERBERT, BINU-BULLY NG MGA TRAPO SA PAGTAKBONG SENADOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 31, 2022




Tila si senatorial aspirant at dating Kyusi Mayor Herbert Bautista ang “favorite” ngayong lait-laitin ng ibang kumakandidato on national level sa nalalapit na May election.


Minamaliit nila ang kakayahan ni former Mayor Bistek na maupo sa Senado. Wala raw alam sa paggawa ng batas si Bistek kaya ganu’n na lang nila i-bully ang former mayor ng isa sa pinakamauunlad na lungsod sa Pilipinas.


True na hindi nga kataasan ang height ni Bistek, pero pagdating sa larangan ng pulitika, especially sa pagbuo at pagpapatupad ng batas, singtaas at singlaki niya si Goliath.


In his more than 20 years sa public service, ‘di hamak na mas deserving siyang umupo sa Senado kumpara sa ibang kalaban niya lalo na ‘yung mga “trapo,” hah?


Kabisado na ni Mayor Bistek ang mga batas na kailangan at immediate concerns ng ating mga kababayan. Hindi siya bagito sa public service at lalo na sa mga malisyosong paninirang ibinabato sa kanya.


At naniniwala ang showbiz industry na mas may maitutulong pa siya sa industriyang una niyang minahal kapag naupo siya sa Senado.


Nito nga lang pandemya, isa si Mayor Bistek sa mga naghatid ng tulong sa mga taga-industriya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page