top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wa' na raw second chance! KYLINE KAY MAVY: 'PAG NILOKO MO 'KO, BREAK NA TAYO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 19, 2023




Obvious na magkarelasyon na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Halos hindi mo na kasi mapaghiwalay ang dalawa at sila rin ang palaging pinagtatambal sa kanilang mga projects sa GMA Network.


Pati na rin sa All-Out Sundays (AOS) ay regular silang magkasama. Mukhang si Kyline na nga ang inspirasyon at sentro ng mundo ngayon ni Mavy, kaya todo-effort din siya sa pagsuporta sa career ng aktres.


Gusto ring patunayan ni Mavy na kaya niyang gumawa ng sariling pangalan sa showbiz at ‘di lang siya aasa sa influence ng kanyang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.


Gustong matutunan ng young actor ang lahat ng trabaho sa showbiz, pati na rin ang pagho-host, kaya hindi na siya nanibago nang makasama sa bagong Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc..


At may ilan pa ngang nagsasabi na nadadala ni Mavy sa kanyang pagsikat ang girlfriend na si Kyline. They complement each other at klik sila as tandem/on-screen partners.


Ganunpaman, malakas ang appeal ni Mavy sa mga young girls. Marami ang kinikilig sa kanyang kaguwapuhan at appeal.


‘Yun nga lang, may warning sa kanya si Kyline na kapag nahuli raw niyang nag-cheat si Mavy, makikipaghiwalay daw siya agad at wala nang second chance pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page