Wa' na raw career… SIGAW NG NETIZEN: KARLA, TODO-DIKIT KAY RUFFA MAPAG-USAPAN LANG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 10, 2022

Nagpadala ng congratulatory message ang ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas dahil sa success ng kanyang movie na Maid in Malacañang.
Touched naman ang former beauty queen-actress — na ngayon ay mas tinatawag bilang "First Lady" o "Madam Imelda Marcos" — sa effort ni Yilmaz.
Anyway, bumiyahe pa-Cebu ang ibang cast ng MIM na sina Ruffa, Karla Estrada, ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga kasama ang direktor ng movie na si Darryl Yap.
May isang personalidad na wala naman sa casting, pero sumabit sa lakad ng grupo, ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Hanggang premiere night at presscon ng MIM sa Cebu ay present din si Annabelle.
Inasar tuloy siya ng anak na si Ruffa kung kasali raw ba siya sa movie nila.
Knowing naman si Bisaya, basta sa anak ay very supportive siya.
Dahil din sa movie ay naging super close sina Karla at Ruffa. Kaya isang mahaderang netizen ang nagkomento, kaya raw nakikipag-close nang husto ang ina ni Daniel Padilla kay Ruffa ay dahil wala nang ganap sa celebrity momshie magmula nang hindi na siya nakabalik sa Magandang Buhay.
"Kinakailangan ni Karla ng may makakapitan nang sa ganu'n ay napag-uusapan din siya at mabigyan ng publicity."
Pero, ang nakakatuwa ay ang mag-amang Cesar at Diego. Aba, ang tawag ni Buboy kay Ruffa kahit off-cam na sila ay, "Hi, my First Lady" at "Mommy" naman ang tawag ni Diego sa aktres.
Ang lead actress naman ay talagang nag-effort sa kanyang Imeldific looks mula sa outfit hanggang sa hairdo.





Comments