top of page

Wa' na pili, todo-tanggap kahit anong work… MARK, KAILANGAN NG DATUNG PARA MABUHAY ANG MAG-INA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 2, 2024



Photo: Mark Herras - Instagram


Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap si Mark Herras nang dumalo siya sa media conference ng bagong Influencers Reality Challenge na produced ng GV Productions. Slim si Mark ngayon, pero bagets pa rin ang dating. 


Ibinahagi niya na malapit nang matapos ang ipinatatayong bahay nila, at plano nilang doon na magdiwang ng Pasko at ng kanyang kaarawan ngayong December. 


May tatlong taong gulang na anak si Mark sa kanyang non-showbiz wife, at marami na raw ang nagbago sa kanyang buhay mula nang magkaroon ng pamilya.  


Wala na siyang nightlife at barkada, trabaho na lang ang pinagkakaabalahan niya. 


Wala na rin siyang manager, pero may two-year contract siya sa GMA Network. 


Sa ngayon, may mga out-of-town shows at events siyang pinagkakakitaan habang naghihintay ng bagong proyekto mula sa GMA.  


Huling napanood si Mark sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP). Dati, si Lolit Solis ang kanyang manager. Maayos naman ang kanilang paghihiwalay at maganda ang kanilang naging usapan. 


Ngayon, kahit ano'ng role ay tinatanggap ni Mark dahil kailangan niyang buhayin ang kanyang anak at asawa.  


Malaki na ang ipinagbago ni Mark Herras. Mas mature na siya at maayos ang tinatahak niyang landas ngayon. Siya ang kauna-unahang itinanghal na Male Grand Winner sa reality show na StarStruck.



Matagal nang bukas sa publiko ang personal na buhay ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Dahil sikat na artista siya, alam na ng marami kung sinu-sino ang mga naging karelasyon niya. Hindi naman niya ito itinago sa kanyang mga tagahanga.  


Si Edu Manzano ang una niyang pinakasalan, at nagkaroon sila ng anak na si Luis Manzano, na ngayon ay may sarili na ring pamilya.


Nang maghiwalay sila ni Edu at ma-annul ang kanilang kasal, naging karelasyon niya si Ralph Recto, na kalaunan ay kanyang pinakasalan. Nagkaroon sila ng isang anak na si Ryan Christian.  


Ngunit ngayon, ginagawang isyu ng mga kritiko ang tungkol sa pagkakaiba ng ama ng kanyang mga anak. 


Ayon kay Vilma, walang karapatan ang sinuman na husgahan ang kanyang pagkatao. Aniya, naging mabuti siyang tao at hindi siya nanakit ng iba upang marating ang kanyang estado sa industriya ng showbiz.  





Pawang magagaling kumanta at mag-perform ang P-Pop boyband na Magic Voyz. Lumalawak na ang kanilang fan base at dinarayo na ang kanilang mga concerts at shows.  


May walong miyembro ang Magic Voyz, sina John Mark Marcia, Juan Paolo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane. Sila ay mina-manage ngayon ni Lito de Guzman. 


Ang grupo ay inspired ng Magic Mike (MM) movie, kung saan macho at talented ang mga bida.  


Ang Magic Voyz ay nakapag-record na ng dalawang awitin, ang Huwag Mo Akong Titigan at Bintana


Isa sa maganda sa kanila ay ang kanilang samahan, walang inggitan at pantay-pantay ang role ng bawat miyembro.  


Sa kanilang latest concert na ginanap sa Viva Café, gumamit na sila ng live band, na lalong nagpakita ng husay nila sa pagkanta. 


Unti-unti nang tinatanggap at tinitilian ng mga fans ang Magic Voyz. Malakas ang kanilang karisma, lalo na sa kababaihan, at posibleng sumikat pa sila tulad ng SB19.

Ang kailangan lang ay dagdagan ang kanilang TV exposure at mall shows.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page