Wa’ na paki sa palengke ang mga tao, ‘community pantry’ pa more!
ni Ka Ambo - @Bistado | April 29, 2021
Inaamin ng mga eksperto na hindi pa rin makaaahon ang Pilipinas sa krisis sa ekonomiya.
Kakapit na sa patalim si Juan?
◘◘◘
DAPAT palawakin pa ang community pantry.
Wala nang rekisitos pa, bigay na lang nang bigay!
◘◘◘
MAKAKAGINHAWA kung ang mga dambuhalang mall na nagpapasasa sa pre-COVID time ay magkusa sumali sa community pantry.
Ibig sabihin, ilibre ang paninda sa mga mall!
◘◘◘
HUMIHINA na ang palengke at talipapa.
Mas dagsa ang tao sa libreng produkto!
◘◘◘
NASAAN na ang mga ahensiya ng gobyerno?
Dapat nang ilibre ang singil sa serbisyo!
◘◘◘
HINDI ba puwedeng bigyan nang 50 percent discount ang lahat ng buwis at permit fees sa gobyerno?
‘Yan ang mas tama!
◘◘◘
TULAD ng PCSO, PAGCOR at GAB—dapat silang sumali sa community pantry.
Bilyones ang nadarambong ng PAGCOR at PCSO—pero ayaw nilang direktang sumaklolo sa mga nagugutom!
◘◘◘
MASYADONG mabagal ang gobyerno kaya’t nauunahan sila ng kalaban ng estado.
Ang mga sumasaklolo sa nagugutom ay hindi dapat ang mga kalaban ng gobyerno, bagkus ay ang mismong taga-gobyerno!
◘◘◘
NAPAGDUDUDAHAN ang gobyerno na walang kakayahan na magdesisyon nang tumpak.
Iniaasa lahat kay P-Digong, gayung nahihirapan itong magdesisyon tulad ng mga tumatandang tao.
Normal lang kay P-Digong na kapusin sa epektibong desisyon, pero bakit walang umaasiste sa kanya?
Nakapagtataka?
◘◘◘
MAHIHINA kasi ang kukote ng mga nasa paligid ni P-Digong.
Naitalaga lang sila dahil sa padrino system imbes na batay sa kuwalipikasyon!
◘◘◘
SI dating Pangulong Marcos ay matalino, pero napapaligiran din siya ng pinakamatatalino at bihasa sa kanyang henerasyon.
Walang ganyang diskarte si P-Digong kaya’t nagkakapalpak-palpak lang.
Karaniwan sa may hawak sa gobyerno ay walang sintido-kumon!
◘◘◘
ANG community pantry ay produkto ng sintido-kumon.
Hindi kailangan ang talino para maisip mong mamigay ng libreng produkto sa panahon ng krisis nang walang tsetseburetse at walang rekisitos!





Comments