top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa’ munang face-to-face campaign, pabor ‘yan sa mga incumbent!

BULGAR
Jan 7, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 07, 2022



Diskaril ang face-to-face campaign.


Pabor ito sa mga incumbent kasi araw-araw silang nangangampanya!


◘◘◘


MARAMI pa rin ang nagugutom sa Visayas at Mindanao dahil kay ‘Odette’.


Paano na sila makarerekober?


◘◘◘


LALAKAS ang prostitusyon at human trafficking dahil sa matinding pagdarahop.


Kaawa-awa naman ang kabataan!


◘◘◘


NOON, tuwing Pasko ay tambak ang mga laruan at kids attire sa bangketa.


Ngayon ay naglaho na!


◘◘◘


MARAMI sa mga nag-reunion ang nagsisisi kasi naka-quarantine sila ngayon.

Bagong estilo ‘yan ng buhay!


◘◘◘


MALABO nang madagdagan pa ang trabaho.


Magbabawas at magsasarado pa ulit ang ilang negosyo!


◘◘◘


WALA ring katiyakan kung magkakaroon ng face-to-face class ngayon taon.


Napagkaitan ang mga estudyante na makatikim ng pinakaasam-asam na graduation march!


◘◘◘


NAPARAMI naluging negosyo.


Walang panaklolo ang gobyerno!


◘◘◘


GUSTO ng PDP-Laban na buksan ang pagsusumite ng COC kahit tapos na ang deadline.


Anong kalokohan ini?


◘◘◘


MALAYA ang lahat na magpabakuna sa Maynila kahit saan nagmulang lugar.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


MABUBULOK at mae-expire na ang COVID vaccine, pero ang ilang LGU ay nag-i-inarte pa.


Dapat silang isumpa!


◘◘◘


BAGSAK ang agrikultura at komersiyo sa Visayas at Mindanao.


Nagdarahop na ang rehiyon, lalo pang nagdahop!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page