top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Wa' career sa ABS-CBN, never babalik sa GMA-7… JAYA, LALAYAS NG 'PINAS, SA TATE NA TITIRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2021
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 11, 2021





Nakakatuwa naman ang pretty chemist-philanthropist na si Ms. Pinky Tobiano (na look-alike ni Alice Dixson, in fairness, kaya kering-kering mag-artista, ha?) dahil sa kabila ng hirap na dinaranas ng marami nating kababayan ngayon, may mga tulad niyang bukas ang puso sa pagtulong nang walang kapalit.


Well, kung sa mundo ng telebisyon ay sikat na sikat si Kuya Willie Revillame sa pagtulong at pamumudmod ng kadatungan, sa digital world ay gumagawa na ng pangalan si Ms. Pinky Tobiano dahil sa kanyang programang Grateful Tuesdays na hindi lang nagbibigay ng positive vibes, marami pang mahihirap na kababayan natin ang natutulungan.


Sa Season 3 ng CS Digital show na magsisimula sa March 16, 7 pm, at sabay na ipapalabas sa Cornerstone Entertainment Facebook page, Chemist Pinky Tobiano’s Facebook page at sa CS Entertainment Kumu Channel, mas marami pang matutulungan dahil sabi nga ng host na si Ms. Pinky, dadayo sila sa Palawan para maabot ang mga less fortunate roon.


Sa first two seasons ng Grateful Tuesdays kung saan si Yeng Constantino ang naging co-host ni Ms. Pinky, umabot sa 35,000 families ang natulungan ng kanilang show.


Maraming estudyante na rin ang nabigyan ng laptop na magagamit nila sa kanilang online classes at nagsagawa rin ng relief operations sa ilang piling barangay na naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad.


Naambunan din ng biyaya maging ang mga online viewers sa pagsagot lang nila ng ilang mga katanungan.


Sa panibago nitong season, makakasama naman ni Ms. Pinky sina Queen of Soul Jaya and this Generation’s Pop Princess Zephanie Dimaranan.


Sobrang thankful sina Jaya at Zephanie sa pagpili sa kanila para mag-co-host sa show dahil new opportunity nga naman ito lalo't mahirap ang trabaho ngayong pandemic.


In fact, sa Zoom mediacon ng Grateful Tuesdays, naikuwento nga ng Soul Diva na si Jaya na soon ay aalis na siya ng 'Pinas para samahan ang kanyang mister at stepson na una nang lumipad pa-Tate para ru'n maghanap ng trabaho dahil malaki ang naging epekto ng pandemya sa kanilang kabuhayan.


Wala naman daw kontrata si Jaya sa ABS-CBN at naging bahagi lang siya ng It's Showtime nang kunin siyang hurado sa Tawag ng Tanghalan, kaya hindi siya nakatali sa network at puwede nga siyang umalis anytime.


Hindi naman daw niya na-consider na bumalik sa GMA-7 matapos siyang umalis dito, at sa halip nga, mas kinonsidera nilang mag-start uli ng panibagong buhay sa Tate lalo't madali naman daw nakahanap ng trabaho ru'n ang kanyang mister.


Pero sabi ni Jaya, kapag may mga shows siya rito sa 'Pinas ay uuwi-uwi pa rin naman siya para 'di ma-miss ng kanyang mga fans.


Samantala, thankful din si Zephanie na mapasama rito sa Grateful Tuesdays dahil may outlet daw siya para makatulong. Produkto ng Idol Philippines si Zephanie na in-invest pala ang napanalunan sa singing contest ng ABS-CBN sa pagpapaayos ng kanilang bahay.


At ngayong may bago siyang trabaho, makakapag-ipon na uli si Zephanie bukod sa may exposure pa siya at hindi makakalimutan ng mga tao.


At sa pilot episode ng Grateful Tuesdays Season 3, mamimigay pa rin ng cellphone loads at laptop kaya watch na para may chance kayong manalo.


Bongga, 'di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page