top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa’ ayuda kaya malamang ‘labas pa more’ ang madla!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 05, 2022



KAUTUSAN NG MMDA NA ‘WAG LALABAS NG BAHAY ANG MGA HINDI BAKUNADO, MALAMANG MASUWAY DAHIL WALANG AYUDA—Kasunod ng pagsasailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila, inanunsiyo ni Chairman Benhur Abalos ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na bawal munang lumabas ng bahay ang mga residente sa National Capital Region (NCR) na hindi pa bakunado hanggang Enero 15.


‘Yan lang ang announcement ng MMDA, “Bawal lumabas ng bahay ang mga hindi bakunado”, pero wala silang inanunsiyong may matatanggap na ayuda ang mga ito.


Dahil d’yan, asahang susuwayin ng mga hindi bakunado ang kautusang ito dahil tiyak lalabas sila ng bahay para makapaghanapbuhay, period!


◘◘◘


ENERGY SEC. CUSI, PULITIKA ANG INAATUPAG IMBES NA ASIKASUHIN ANG KURYENTE SA MGA LUGAR NA NASALANTA NG BAGYONG ODETTE—Tapos na ang filing ng candidacy noong Oct. 8, 2021 at substitution of candidates noong Nov. 15, 2021, pero humirit pa rin si PDP-Laban President, Health Sec. Alfonso Cusi sa Comelec na palawigin ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nais kumandidato sa nalalapit na halalan sa May 2022.


Pambihira namang energy secretary ‘to, imbes na ang asikasuhin ang kuryente sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette, pamumulitika pa ang inaatupag, pwe!


◘◘◘


KANDIDATONG NANG-UUNGGOY SA POLITICAL AD, IBASURA SA ELEKSIYON—Maya’t maya ay lumalabas sa telebisyon ang pagmumukha at pangalan ng mapeperang kandidato, ang daming ipinapangakong gagawin para lang iboto sila ng mamamayan.


Panawagan natin sa ating mga kababayan, huwag magpa-unggoy sa mga ‘yan na gumagastos nang malaki sa political ad kasi kapag naluklok na ay dalawa lang ang puwede nilang gawin:


una, bawiin ang nagastos nila sa eleksiyon; at pangalawa, dedma na sa kanilang mga pangako, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page