Vucinic, bagong headcoach ng Gilas para sa FIBA Cup
ni VA - @Sports | June 4, 2022

May bagong head coach ang Gilas Pilipinas para sa susunod na window ng FIBA World Cup Qualifiers.
Itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang dating consultant na si Nenad Vucinic bilang head coach ng men’s national 5-on-5 basketball team para sa 3rd window na gaganapin sa Auckland, New Zealand at Pasay City.
“Coach Nenad will be the coach handling Gilas this window,”pahayag ni Gilas team manager Butch Antonio na kinumpirma rin na bahagi pa rin si coach Jong Uichico ng coaching staff.
Nakatakdang makaharap ng Gilas ang Tall Blacks at India sa Hunyo 30 at Hulyo 3 ayon sa pagkakasunod. Ngunit bago ito sasabak ang Gilas sa dalawang friendly games kontra South Korea sa Hunyo 17-18.
Pamilyar ang 57-anyos na si Vucinic sa New Zealand dahil naging head coach siya ng team noong 2006 hanggang 2014.
Samantala, inimbita para makasama sa Gilas pool para sa nasabing window ang mga holdovers ng nakaraang Gilas squad na sina Angelo Kouame, Dave Ildefonso, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, William Navarro, Justine Baltazar, Lebron Lopez, Thirdy Ravena, Dwight Ramos at Geo Chiu.
Makakasama nila ang mga baguhang sina Rhenz Abando, Kevin Quiambao, James Spencer at Sherwin Concepcion.





Comments