VP Sara, takot sa plano ng Diyos para sa 'Pinas

ni Mylene Alfonso @News | November 29, 2026

Photo: Inday Sara Duterte - FB
Inamin ni Vice President Sara Duterte na nangangamba siya sa kung ano ang nakalaan para sa Pilipinas sa gitna ng mga kinakaharap na pagsubok ng bansa.
Sa isang press briefing nitong Biyernes, Nobyembre 27, ibinahagi ni Duterte ang kanyang pananampalataya sa Diyos sa kabila ng kinakaharap niyang impeachment trial at paglilitis sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Gayunman, sinabi ng Bise Presidente na hindi niya maiwasang mangamba sa plano ng Diyos para sa bansa.
"I'm confident in the Lord's plan in all of these things happening to my life, but I'm not confident for the Lord's plan for the Philippines. So, nakakatakot kung ano talaga ang plano Niya para sa bansa," ani VP Sara.





Comments