top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

VP Sara, malamang solo uli sa deliberasyon sa Kamara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 5, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MALAMANG MAG-ISA NA NAMAN SI VP SARA SA KAMARA SA ISYU NG MGA SABLAY AT ANOMALYA RAW SA DEPED -- Sa budget deliberation ng Kamara sa Dept. of Education (DepEd) ay maraming sablay at anomalya umanong nasilip ang mga kongresista noong si Vice President Sara Duterte-Carpio pa ang namumuno sa kagawaran.


Naku, para na nating nakikinita na sa Sept. 10, pagbalik ni VP Sara sa Kamara patungkol sa hinihingi niyang budget ng Office of the Vice President (OVP) ay gigisahin na naman siya ng mga kongresista tungkol sa mga sablay at anomalya umanong naganap noong siya pa ang DepEd secretary, abangan!


XXX


PANG-UUNGGOY LANG PALA SA PUBLIKO ANG IBINIDA NI PBBM NA BANNED NA SA ‘PINAS ANG POGO KASI AYON KAY SEN. RISA, TULOY PA RIN ANG OPERASYON NITO -- Ibinulgar ni Sen. Risa Hontiveros na sa kabila na ipina-ban na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), tuloy pa rin daw ang operasyon nito, iniba lang daw ang anyo, pero ang raket na pasugalan nito ay nagkalat pa rin sa social media.


Dahil sa ibinulgar na ‘yan ni Sen. Risa ay lumalabas na pang-uunggoy lang pala sa publiko ang inanunsyo ni PBBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) last July 2024 na pina-stop na niya ang raket na POGO sa ‘Pinas, boom!


XXX


ALICE GUO, IBARTOLINA PARA HINDI NA MAKATAKAS ULI -- Nahuli na ng mga Indonesian authorities si POGO ‘protector’, former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac at itinakda na ang deportasyon nito pabalik sa Pilipinas.


Dapat kapag naibalik na sa bansa si Alice Guo ay sa bartolina o ikulong ‘yan para matiyak na hindi na makakatakas uli, period!


XXX


SI SPEAKER MARTIN NA ANG FAVORITE NG OCTA, HINDI NA SI VP SARA -- Sa inilabas na latest survey ng OCTA Research Firm ay naungusan na ni House Speaker Martin Romualdez sa trust and performance rating si VP Sara. 


Ayon sa survey, si Romualdez ay nakakuha ng rating na 63%, kumpara sa bise presidente na 60% lang.


Noong buo pa ang UniTeam ng Marcos at Duterte, si VP Sara ang favorite ng OCTA Research na laging ibinibida ang mataas na rating sa survey, pero ngayong wasak na ang unity nina PBBM at VP Sara, ay si Speaker Martin na ang favorite ng survey firm na ito, at inilalaglag na sa rating ang bise presidente, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page