top of page
Search
BULGAR

VP Sara, inisnab ang deliberasyon ng 2025 OVP budget

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 11, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAPAT SA CITY JAIL IKULONG SI PASTOR QUIBOLOY, AT HINDI SA CAMP CRAME -- Maituturing pa rin na VIP (very important person) si Pastor Apollo Quiboloy na may kasong sexual abuse at human trafficking kasi detention center ng Camp Crame siya ikinulong.


Kapag poor kasi ang nakasuhan ng child sexual abuse at ang suspek ay naaresto, ikinukulong ito sa city jail habang dinidinig ang kaso laban sa akusado. Pero sa sitwasyon ni Quiboloy na rich ay sa detention center ng Camp Crame siya binilanggo, na dapat sana sa city jail din siya ikinulong.


Isa ‘yan sa patunay na iba ang trato ng gobyerno sa mga bilanggong poor at rich sa ‘Pinas, tsk!


XXX


SABLAY ANG ADVISE KAY VP SARA NA ISNABIN ANG BUDGET DELIBERATION PARA SA 2025 OVP BUDGET -- Kung sino man sa mga adviser ni Vice President Sara Duterte-Carpio na nagpayong isnabin ang budget deliberation para sa 2025 proposed budget ng tanggapan ng bise presidente ay sablay ‘yan.


Baka kasi mabuwisit ang mga kongresista at magkaisa na P1 ang ilagay na budget sa OVP at i-reject ang hirit niyang P2.03 billion sa OVP budget para sa year 2025, boom!


XXX


PANGIT SA PANINGIN NG MUNDO NA ANG SPORTS HERO NG ‘PINAS, WALANG RESPETO SA INA, NAGTAKWIL SA PAMILYA -- Tama si Mark Yulo, ama ni 2 gold medalist Carlos, sa panawagan niya sa anak na dapat itong mag-sorry sa kanyang ina na sinabihan niyang magnanakaw upang gumanda ang imahe niya (Caloy) hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo.


Sa totoo lang kasi, pangit sa paningin ng mundo na ang itinuturing ngayon sa bansa na sports hero na si Caloy ay walang respeto sa ina, nagtakwil pa sa buong pamilya, period!


XXX


STL-CON JUETENG AT LOTTENG, TALAMAK SA JURISDICTION NINA GOV. YNARES AT COL.  MARAGGUN -- Talamak at nagkalat pa rin ang mga kubrador ni alyas "Kits" na nagpapataya ng raket niyang STL-con jueteng at lotteng sa Rizal province.


Kailan kaya gagawa ng aksyon sina Rizal Gov. Nini Ynares at Rizal PD, Col. Felipe Maraggun para “i-tokhang” si “Kits” nang matigil na ang pangraraket nito sa mga taga-Rizal province, abangan!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page