VP, pinahaharap sa trial... Hirit na BBM sa impeachment, wa' 'wenta — Sara
- BULGAR

- 15 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 7, 2026

Photo: Sara Duterte - FB
Tila rumesbak si Vice President Sara Duterte sa naging opinyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas maganda raw kung direktang sasagutin ng nauna ang mga alegasyong laban sa kanya sa Senate impeachment trial.
Matatandaang inihayag ng Pangulo noong Linggo, Hulyo 5, na mas magiging maliwanag at madali ang proseso ng impeachment trial kung personal na sasagot si VP Sara at hindi sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.
Sa inilabas na pahayag ng Bise sa kanyang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 6, sinabi niyang wala raw halaga ang opinyon ng Pangulo sa proseso ng impeachment trial.
“[T]he decision to personally testify is a matter of legal strategy and constitutional rights,” aniya pa.
“Choosing to appear through counsel rather than testify personally does not diminish accountability or imply a lack of transparency,” dagdag pa ng Bise.
Dapat din umanong sinasarili na lang ng isang public official ang kanilang personal na opinyon at sa halip ay sumunod sa batas.





Comments