VP Leni, halos ayaw daw pagsalitain… HIRIT NI RITA: BOY, OBYUS NA MAS MARESPETO KINA BBM AT PING
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 28, 2022

Nadismaya umano ang aktres na si Rita Avila sa interbyu ng King of Talk na si Boy Abunda sa aspiring president na si VP Leni Robredo.
Ayon umano sa aktres, parang ayaw ni Kuya Boy na pasagutin at palawigin pa lalo ni Robredo ang kanyang sagot sa mga tanong kumpara raw sa dalawang naunang ininterbyu ng TV host na sina Ping Lacson at Bongbong Marcos.
Gayunpaman, lalong humanga si Rita kay Robredo sa pagiging totoo at prangka nito.
Ang The 2022 Presidential One-on-One Interviews ni Kuya Boy sa limang tatakbong president ay pare-pareho ang tanong. 'Yun nga lang, hindi sila face-to-face unlike sa ginawa ni Jessica Soho sa Kapuso Network nu'ng Sabado, January 22.
Nag-post si Rita ng kanyang komento sa ilang social media pages niya kung saan sinabi nitong 'intimidating' si Abunda sa bise-presidente kumpara sa dalawang nauna nitong naisaereng interviews.
Sinabi pa niyang ipinagtanggol pa naman daw niya ang King of Talk dahil kilala niya itong propesyonal at marespeto.
Diretsahang sinabi ng aktres sa kanyang socmed account, "Mr. Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against on what she is saying. Mas respectful and decent ka kina Sen. Ping at BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this."
Sa personal question ng TV host kay VP Leni na, "Bakit 'di dapat iboto si BBM?" ang matapang na sagot ng presidentiable, "Number 1, sinungaling at hindi sumisipot sa oras ng kagipitan."
Samantala, nang tanungin din ng King of Talk si BBM kung bakit 'di dapat iboto si Bise-Presidente Leni, bago sumagot ay tinanong muna ni Bongbong kung itatanong din daw ba ito sa ibang aspiring presidents.
Ang sagot ni Kuya Boy, same questions daw ang kanyang mga tanong sa kanilang limang presidentiables.
Maganda naman ang sagot ni BBM, "I'm very hesitant to answer that because I do not believe and indulge in negative campaign."
Sagot daw niya 'yun hindi lang para kay Leni kundi maging sa iba pang aspiring presidentiables.
At bakit naman daw siya ang dapat iboto?
Ani BBM, "Because my message is unity."
Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens sa naturang interview ni Boy…
"Hindi ako masyadong maka-BBM but Bongbong was really great. Sobrang straightforward. Hindi marunong manira! Go, go, BBM!"
"I am a Leni supporter. Now that I heard his (BBM) interview, may impact talaga siya. I can't believe I'm saying this pero parang malilipat ang boto ko sa 'yo, Sir! Ping Lacson and BBM nailed it!"
Sana ay nabasa ni Rita ang magandang komento ng ibang supporters ni Leni.
Sa voice over kasi ay may ibinigay lang na 5 minutes para sagutin ang tanong hinggil sa political issues at 60 seconds lang sa personal issue.
May gong na papasok kapag sumobra ang sagot kaya automatically ay ibang tanong na ang ibabato ni Kuya Boy.
Si Kuya Boy, he knows how to appease ang mga nakakausap niya at never siyang na-intimidate sa mga personalidad na kanyang nakakaharap.





Comments