Vlogger na may 30 M followers… JELAI, TAGA-BOLA SA BINGO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 22, 2022

Kahit sobrang busy ng presidente at CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ay talagang binakante niya ang petsang Nobyembre 19-20 para maka-bonding ang mga kaibigan niya sa entertainment press na patuloy na tumutulong sa kanya.
Bukod dito ay pre-birthday celebration na rin niya para sa darating niyang kaarawan sa Nobyembre 26.
Nabanggit nito na sana ay matapos na ang building na ipinagagawa niya para rito na gawin ang Christmas party para sa mga empleyado ng Beautederm, product endorsers, media friends at mga kaibigan.
Ipinakita ni Ms. Rei ang anim na palapag ng Beautederm Building sa Angeles City, Pampanga at namangha kami dahil kakaiba ang disenyo at istilo ng gusali na puro salamin.
Ayon sa kanya, “Lahat nandito na po kasi ang first floor, bukod sa reception and visitors ay nasa kabilang side naman ang restaurant, Beaute Beanery, okay ba?”
Ang konsepto ng Beaute Beanery ay fusion that specializes food from other countries at regions.
Sa ikalawang palapag ay makikita ang kuwarto para sa services ng Beautederm na nakagugulat dahil studio-type ng condo ang sukat. Nalula nga ang supplier ni Ms. Rei dahil sa lahat ng beauty clinic na napuntahan nila ay itong sa kanya ang pinakamalaki.
Nasa 20 rooms ang para sa services.
May palapag na matatagpuan ang display ng A-List products na ibinebenta niya tulad ng mga branded clothes, collections of bags at marami pang iba.
At para hindi na siya umupa ng studio kapag ipi-pictorial niya ang napakarami niyang product endorsers ay may sarili rin itong floor kung saan makikita ang state of the art studio, may sariling dressing room, pantry, restroom at dining room plus visitor’s area.
Sa ibang floors ay opisina tulad ng accounting, marketing, legal at conference room at may sarili ring palapag para sa art gallery niya na milyones ang halaga ng bawat painting.
At nasa 5th floor ang condo niya para 'pag super-pagod na siya sa dami ng meetings ay puwede siyang magpahinga nang hindi na lalabas ng building at kapag tinanghali ng gising ay hindi rin siya nagmamadali.
“May sariling kuwarto rin ang mga anak ko at tables na rin para ma-train na rin sila kung ano ang ginagawa ng mama nila, para pagdating ng araw ay sila na ang magpatakbo ng negosyo. Watch-watch na lang ako,” masayang sabi nito.
Sa rooftop naman ang kanyang entertainment kung saan gagawin ang parties, events at iba pa.
Samantala, nitong Sabado nang gabi ay sinorpresa si Ms. Rei ng isa sa mga endorsers niya, ang social media influencer with 30M combined followers na si Jelai Andres na nagbasa ng numero para sa mga naglaro ng bingo.
Puring-puri naman ni Ms. Rei ang isa sa mga endorsers niyang si Marian Rivera dahil napakasipag daw nitong mag-post ng produkto at bini-video pa kaya ang gaganda ng content.
Hindi nagtataka ang Beautederm CEO kung bakit maraming kumukuha kay Marian dahil nga sa sipag nito.
Advance happy birthday, Ms. Rei! Wish you good health and more blessings.





Comments