top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Viva sexy star, nagpakatotoo lang… JOSHUA, INAMIN NI CHRISTINE

BULGAR
Jul 4, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 4, 2022


Excited si Christine Bermas sa first bida role niya sa pelikulang Scorpio Nights 3 na idinirek ni Lawrence Fajardo for Viva Films na mapapanood sa Hulyo 29.


Kuwento ng bagong Vivamax sexy star ay ang unang Scorpio Nights ang pinanood niya dahil mas malapit ang kuwento nito sa version niya, bukod pa sa wala siyang mahanap na version nina Joyce Jimenez at Albert Martinez.


Aniya, “Parang mas nag-stick ako sa number one kasi mas same nitong Scorpio Nights 3, so, parang mas pinanood ko talaga ‘yung (part) one.”


Ano ang mas matindi, part 1 o part 3?


“Mas malala itong (akin) hahahaha! Parang mas nagkaroon ng story itong sa amin,” masayang sagot ng dalaga.


Sa pelikula ay mas type ni Christine ang isa sa dalawang leading men niyang si Gold Aceron na lagi siyang sinisilipan dahil mas bata kumpara sa may-edad nang si Mark Anthony Fernandez na gumanap na asawa niya.


Pero sa personal ay mas type niya ang mas may-edad na boyfriend kumpara sa bata dahil mas marami siyang matututunan.


Ang gist ng Scorpio Nights na kapareho rin ng part 3 ay sinisilipan si Christine ni Gold at pinagnanasaan siya kaya lahat ng nangyayari sa kuwarto ng aktres kasama ang asawang si Mark Anthony ay napapanood.


At alam lahat ito ni Christine kaya naman tinakam niya si Gold hanggang sa nagkaroon sila ng patagong relasyon.


Sa tanong namin kung nag-audition si Christine sa Scorpio Nights 3, “Hindi po ako nag-audition for this, may gagawin kasi ako dapat na project and then, sinabi sa akin na out na raw po ako ru'n kasi may in-offer silang bago at ito nga ‘yung Scorpio Nights. Na-sad ako nang konti kasi kay Direk Joel Lamangan ‘yung movie and he is one of my favorite directors talaga.


“Pero natuwa ako nu’ng nalaman ko na ang ipinalit ay itong Scorpio Nights, kasi alam mo ‘yun, ‘pag narinig mo ‘yung Scorpio Nights, talagang nagmarka ‘yung movie sa mga tao before talaga. Erotic film siya pero classic,” kuwento ng dalaga.


Samantala, inamin ng sexy star na pangarap niyang makatrabaho si Joshua Garcia pero suntok sa buwan ito.


“Oo, consistent talaga ako sa kanya. Una, crush ko siya tapos mahusay na aktor. Pero impossible ‘yun (makapareha) kasi wholesome si Joshua,” sambit ng dalaga.


Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang sexy star dahil hindi naman daw siya magiging forever sexy star dahil stepping stone niya ito at pangarap niyang maging seryosong artista.


Baka ‘pag naging dramatic actress na siya ay posibleng makapareha na niya ang Kapamilya actor.


Muli naming tanong kung hanggang saan ang ipinakita niyang parte ng katawan niya sa pelikula na para ma-enjoy ng male viewers.


“Abangan na lang po sa movie para mas exciting,” sambit ni Christine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page